Linggo, Abril 23, 2023

Surah 3: Al Imran (Ang Sambahayan ni Imran)

 Ang Sambahayan ni Imran

(Al Imran)

SURA 3

(Isiniwalat sa Meka)

1. Alif, Lam, Meem.

2. Allah, walang ibang diyos kundi Siya, ang Buhay, ang Walang Hanggan.

3. Siya ay nagsiwalat sa iyo (O Muhammad) ng Banal na Kasulatan ng katotohanan (ang Qur'an), na nagpapatunay sa kung ano ang ipinahayag sa nauna, tulad ng paghahayag Niya sa Torah (Lumang Tipan) at Ebanghelyo.

4. Noong una, bilang patnubay para sa sangkatauhan; at ibinaba Niya ang Pamantayan. Ang mga tumanggi sa mga tanda ni Allah ay magkakaroon ng matinding kaparusahan. Si Allah ay Makapangyarihan, May kakayahang maghiganti.

5. Walang nakatago kay Allah, sa lupa o sa mga langit.

6. Siya ang nabigay hugis sa inyo sa sinapupunan ayon sa Kanyang nais. Walang diyos maliban sa Kanya, ang Makapangyarihan, ang Pantas.

7. Siya ang nagpahayag sa iyo(Muhammad) ang Banal na Kasulatan. Ang ilan sa mga taludtod nito ay tiyak; sila ang saligan ng Banal na Kasulatan, at ang iba ay hindi tiyak. Para sa mga taong ang puso ay paglihis, sila ay sumusunod sa hindi tiyak na bahagi, naghahanap ng hindi pagkakasundo, at naghahangad na makakuha ng pakahulugan. Ngunit walang nakakaalam ng pakahulugan nito maliban kay Allah at ang mga matatag na naguugat sa kaalaman ay nagsabi, “Kami ay naniniwala dito; ang lahat ay mula sa ating Panginoon.” Ngunit walang nakakaalala maliban sa mga may pang-unawa.

8. (Sinabi nila), "Aming Panginoon Huwag ipahintulot na lumihis ang aming mga puso matapos Mo kaming gabayan Ngunit bigyan kami ng awa mula sa Iyong Harapan; Ikaw ang Mapagbigay ng mga biyaya na walang sukat”.

9. Aming Panginoon, Iyong titipunin ang mga tao para sa isang Araw na walang pag-aalinlangan." Hindi kailanman sisirain ng Allah ang Kanyang pangako.

10. Para sa mga hindi sumasampalataya, maging ang kanilang kayamanan o ang kanilang mga anak ay hindi makatutulong sa kanila ng anuman laban kay Allah. Ang mga ito ay magiging panggatong para sa Apoy.

11. Tulad ng pag-uugali ng mga tao ni Paraon at ng mga nauna sa kanila. Tinanggihan nila ang Aming mga tanda, kaya sila ay kinuha ni Allah para sa kanilang mga kasalanan. Si Allah ay Mahigpit sa paghihiganti.

12. Sabihin (O Muhammad) sa mga hindi sumasampalataya, “Kayo ay matatalo, at titipunin sa Impiyerno, isang kakila kilabot na pahingahan.

13. May isang tanda para sa inyo sa dalawang hukbo na nagtagpo: isang hukbo na lumalaban sa daan ni Allah, at isa pang hindi sumasampalataya, na kanilang nakitang makalawa ang dami sa bilang nila, sa mismong mga mata nila. Sa gayon si Allah ay nagpapalakas ng Kanyang tulong sa sinumang Kanyang ibig. Narito tunay na isang aral para sa mga may pang-unwa.

14. Pinalamutian para sa mga tao ang pag-ibig sa mga pagnanasa, tulad ng mga babae, at mga bata, at mga bunton ng ginto at pilak, at mga kabayong may tatak, at mga hayop, at mga lupain. Ito ang mga kaginhawahan ng makadaigdig na buhay, ngunit sa Allah ay namamalagi ang pinakamagandang pahingahan.

15. Sabihin: "Bibigyan ko ba kayo ng masayang balita ng mga bagay na higit na mabuti kaysa mga iyon? Sapagkat para sa matuwid ay mga hardin na malapit sa kanilang Panginoon na may mga ilog na umaagos sa ilalim; doon ang kanilang walang hanggang tahanan; kasama ang mga dalisay (at banal) at ang mabuting kasiyahan ng Allah. Sapagkat sa paningin ng Allah ang (lahat) ay Kanyang mga alipin."

16. Yaong mga nagsasabing, "Aming Panginoon, kami ay naniwala, kaya patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, at iligtas Mo kami sa pagdurusa sa Apoy."

17. Silang mga nagpapakita ng pagtitiis katatagan at pagpipigil sa sarili; sino ang totoo (sa salita at gawa); na sumasamba nang matapat; na gumugol (sa daan ni Allah); at na nanalangin sa madaling araw para sa kapatawaran .

18. Si Allah (Mismo) ay Saksi na walang ibang Diyos maliban sa Kanya. At ang mga anghel at ang mga taong may kaalaman (ay saksi din). Ang pagpapanatili ng Kanyang nilikha sa katarungan, walang Diyos maliban sa Kanya ang Makapangyarihan, ang Pantas.

19. Ang Relihiyon sa harapan ng Allah ay Islam (pagsuko sa Kanyang kalooban): at hindi tumanggi ang mga tao sa Banal na kasulatant mula doon maliban sa inggit sa isa't isa pagkatapos na dumating sa kanila ang kaalaman. Kung ang sinuman ay tumanggi sa mga Tanda ni Allah, si Allah ay mabilis na tumatawag sa pagsusulit.

20. Kung sila ay makipagtalo sa iyo, (O Muhammad), sabihin, "Isinuko ko na ang aking sarili kay Allah, at ang mga sumusunod sa akin." At sabihin sa mga pinagkalooban ng Banal Kasulatan, at sa mga walang pinag-aralan, "Kayo ba ay sumuko na?" Kung sila ay sumuko na, kung gayon sila ay ginagabayan; ngunit kung sila ay tumalikod, iyong tungkulin ay iparating lamang ang Kapahayagan, ang Allah ang ganap  ang nakaaalam sa Kanyang mga alipin.

21. Tungkol naman sa mga sumasalungat sa mga isiniwalat ni Allah, at pumatay sa mga propeta ng hindi makatarungan, at pumapatay sa mga nagtataguyod ng katarungan sa mga tao, ipahayag sa kanila ng isang masakit na parusa.

22. Sila ay ang mga taong na ang mga gawa ay mauuwi sa wala, sa daigdig na ito at sa Kabilang Buhay; at hindi sila magkakaroon ng mga tagapagligtas.

23. Hindi ba ninyo naisaalang alang silang binigyan ng bahagi ng Banal na Kasulatan, gaya ng pagtawag sa kanila sa Banal na Kasulatan ng Allah upang mamagitan sa pagitan nila; pagkatapos ang ilan sa kanila ay tumalikod, at tumanggi?

24. Iyan ay dahil sinabi nila, "Ang Apoy ay hindi dadaiti sa amin maliban sa kaunting bilang ng mga araw." Naligaw sila sa kanilang relihiyon sa pamamagitan ng mga kasinungalingang gawa-gawa nila.

25. Paano kapag Aming tinipon sila para sa isang Araw na walang pag-aalinlangan, at ang bawat kaluluwa ay babayaran nang buo para sa kung ano ang kanyang kinita, at sila ay hindi mamaliin?

26. Sabihin, “O Allah, ang may-ari ng Kapangyarihan. Ibinibigay Mo sa sinuman na Iyong naisin, at Inaalis Mo ang kapangyarihan sa sinuman na naisin Mo. Iyong pinararangalan kung sinuman ang Iyong naisin, at Iyong pinapahiya ang sinuman na Iyong naisin. Nasa Iyong kamay ang lahat ng kabutihan. Ikaw ay may kakayahan sa lahat ng bagay."

27. "Ikaw ang sanhi na ang Gabi ay maging Araw at Iyong ginagawang ang Araw ay maging Gabi; Iyong binibigyang Buhay ang mga Patay at ibinabawian Mo ng buhay ang mga may buhay; at Iyong binibigyan ng ikabubuhay ang iyong kinalulugdan ng walang sukat."
28. Ang mga mananampalataya ay hindi dapat kunin ang mga hindi mananampalataya bilang mga kaibigan sa halip na mga mananampalataya. Sinuman ang gumawa niyan ay walang kinalaman kay Allah, maliban kung ito ay upang ingatan ang inyong mga sarili laban sa kanila. Binabalaan kayo ni Allah na mag-ingat sa Kanya. Kay Allah ang hantungan.

29. Sabihin, (O Muhammad): Kung ilihim man ninyo ang nasa inyong mga nasa puso o ihayag ito, alam ito ng Allah. Alam Niya ang nasa mga langit at nasa lupa, at si Allah ay May Kakayahang gawin ang lahat ng bagay.

30. Sa Araw na ang bawat kaluluwa ay makikita ang kanyang sarili sa lahat ng kanyang nagawang mabuti at lahat ng kanyang ginawa sa kasamaan (bawat kaluluwa) ay maghahangad na magkaroon ng isang napakalaking agwat sa pagitan nito at ng (kasamaan). Si Allah ay nag-utos sa inyo na mag-ingat sa Kanya. At si Allah ay Puno ng Habag sa (Kanyang) mga lingkod.

31. Sabihin, (O Muhammad, sa sangkatauhan): Kung mahal ninyo si Allah, sumunod kayo sa akin; Mamahalin kayo ni Allah at patatawarin kayo sa iyong mga kasalanan. Ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.

32. Sabihin, "Sundin ang Allah at ang Sugo." Ngunit kung sila ay tumalikod-ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga walang pananampalataya.

33. Pinili ng Allah sina Adan at Noah at ang sambahayan ni Abraham at ang sambahayan ni 'Imran (Amran) kaysa sa iba niyang mga nilalang.

34. Sila ay mga inapo sa isa't isa. Si Allah ay Nakakarinig, Nakakaalam.

35. (Alalahanin) nang ang asawa ni Imran ay nagsabi: Aking Panginoon! Aking ipinagpanata sa Iyo ang nasa aking sinapupunan bilang isang inilaan (handog). Tanggapin mo mula sa akin. Ikaw, Ikaw lamang ang Nakakarinig, ang Nakakaalam!

36. At nang siya ay maipanganak, siya ay nagsabi, “Aking Panginoon, ako ay nagsilang ng isang babae,” at ang Allah ay lubos na nakababatid kung ano ang kanyang ibinigay, “at ang lalaki ay hindi katulad ng babae, at Aking pinangalanan siyang Maria, at aking inihahabilinb siya at ang kanyang mga inapo sa Iyong pag iingat, mula kay Satanas."

37. Tinanggap siya ng kanyang Panginoon nang may magiliw na pagtanggap, at dinala siya ng magandang pagpapalaki, at ipinagkatiwala siya sa pangangalaga ni Zacarias. Sa tuwing pinapasok siya ni Zacarias sa banal na silid, nasusumpungan niya siya na may dalang pagkain. Sinabi niya, "O Maria, saan mo ito kinuha?" Sinabi niya, “Ito ay mula kay Allah; Ang Allah ay nagbibigay sa sinumang Kanyang naisin nang walang pagtutuos."

38. Pagkatapos ay nanalangin si Zacarias sa kanyang Panginoon; sinabi niya, “Panginoon ko, pagkalooban mo ako ng mabuting supling mula sa Iyong harapan; Ikaw ang Dumirinig ng mga Panalangin.”

39. At tinawag siya ng mga anghel habang siya ay nakatayo na nagdarasal sa santuwaryo: Si Allah ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita tungkol sa isang anak na ang pangalan ay Juan, upang patunayan ang salita mula kay Allah, malinis, isang propeta isa sa mga matuwid.

40. Sinabi niya, "Panginoon ko, paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki, kung ang aking katandaan ay dumating na sa akin, at ang aking asawa ay baog?" Sinabi niya, "Gayunpaman, ginagawa ng Allah ang anumang Kanyang naisin."

41. Sinabi niya, "Panginoon ko, bigyan mo ako ng isang tanda." Sinabi niya, “Ang tanda mo ay hindi ka magsasalita sa mga tao sa loob ng tatlong araw, maliban sa pamamagitan ng mga 
kilos. At alalahanin ang iyong Panginoon ng marami, at purihin sa gabi at umaga."

42. Ang mga anghel ay nagsabi, “O Maria, pinili ka ng Allah, at nilinis ka. Pinili ka niya sa lahat ng babae sa daigdig?
43. O Maria, maging matapat ka sa iyong Panginoon, at yumuko ka, at lumuhod kasama ng mga lumuluhod.
44. Ito ay mga ulat mula sa Hindi Nakikita, na Aming isiniwalat sa iyo (Muhammad). Ikaw ay hindi kasama nila nang sila ay nagpalabunutan kung sino sa kanila ang mamamahala kay Maria; ni hindi ka kasama sa kanilang pag-aaway.
45. Ang mga Anghel ay nagsabi, “O Maria, binibigyan ka ng Allah ng magandang balita ng isang Salita mula sa Kanya. Ang kanyang pangalan ay Hesus anak ni Mariaang Mesiyas,  , na iginagalang sa daigdig na ito at sa susunod, at isa sa pinakamalapit.
46. Siya ay magsasalita sa mga tao mula sa kuna, at sa pagtanda, at magiging isa sa mga matuwid (sa Allah)."
47. Sinabi niya, "Panginoon ko, paano ako magkakaroon ng anak, gayong walang sinumang humipo sa akin?" Sabi niya, “Ito ay manyayari. Nililikha ng Allah ang anumang Kanyang naisin. Upang magawa ang anumang bagay, sasabihin lamang Niya dito, ‘'Maging' at ito ay mangyayari!
48. At ituturo Niya sa kanya ang Kasulatan at karunungan, at ang Torah (ang Lumang Tipan)at ang Ebanghelyo.
49. Isang sugo sa mga Anak ni Israel: “Naparito ako sa inyo na may tanda mula sa inyong Panginoon. Ginawa ko para sa inyo mula sa luwad (putik) ang hugis ng isang ibon; nang hiningahan ko ito, ito ay naging isang ibon sa pahintulot ni Allah. At pinagagaling ko ang bulag at ketong, at binubuhay ko muli ang patay, sa pahintulot ni Allah. At ipinaaalam ko sa inyo ang tungkol sa kung ano ang kinakain ninyo, at kung ano ang iyong iniimbak sa inyong mga tahanan. Ito ay isang palatandaan para sa inyo, kung kayo ay mananampalataya."
50. "At nagpapatunay kung ano ang nauna sa akin ang Torah (Lumang Tipan), at upang ipahintulot sa inyo ang ilan sa ipinagbabawal sa inyo. Isinugo ako sa inyo na may tanda mula sa inyong Panginoon; Kaya matakot kay Allah, at sundin ninyo ako.”
51. Si Allah ay aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya sambahin Siya. Iyan ang matuwid na landas."
52. Nang maramdaman ni Hesus ang hindi nila paniniwala sa kanya, sinabi niya, "Sino ang aking mga kasama sa landas ng Allah?" Sinabi ng mga alagad, "Kami ay mga kasama sa landas ng Allah; kami ay sumasampalataya kay Allah, at nagpapatotoo na kami ay sumuko na.”
53. "Aming Panginoon, kami ay sumasampalataya sa Iyong ipinahayag, at sinundan namin ang sugo, kaya ibilang Mo kami sa mga saksi."
54. Nagbalak sila (ang mga hindi sumasampalataya), at ang Allah ay Nagbalak (laban sa kanila); at ang Allah ang Pinakamagaling sa mga nagbabalak.
55. Alalahanin nang Sinabi ni Allah: "O Hesus! itataas kita sa Aking at lilinisin kita sa mga hindi naniwala; gagawin Kong mas nakahihigit ang mga sumunod sa iyo kaysa sa mga  hindi sumampalataya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na muli; pagkatapos kayong lahat ay babalik sa Akin at huhusgahan Ko kayo sa pagitan ng mga bagay na pinagtatalunan ninyo.
56. Tungkol sa mga hindi sumasampalataya, parurusahan Ko sila ng matinding parusa, sa daigdig na ito at sa susunod, at walang tutulong sa kanila.
57. At patungkol sa mga sumasampalataya at gumagawa ng mabubuting gawa, bibigyan Niya sila ng buong gantimpala. Hindi iniibig ng Allah ang hindi makatarungan. "
58. Ito ang Aming binibigkas sa iyo ang Mga Talata at ang Matalinong Paalala.
59. Ang pagtutulad kay Hesus sa paningin ng Allah ay si Adan: Nilikha niya siya (Adan) mula sa alabok, pagkatapos ay sinabi sa kanya, "Maging," at siya ay naging.
60. Ang katotohanan ay mula sa iyong Panginoon (O Muhammad), kaya huwag kang mapasama sa mga nag-aalinlangan.
61. At kung ang sinumang nakikipagtalo sa iyo tungkol sa kanya, pagkatapos ng kaalamang dumating sa iyo, ay sabihin, "Halika, tawagin natin ang ating mga anak at inyong mga anak, at ang aming mga kababaihan at inyong mga kababaihan, at ang ating mga sarili at ang inyong mga sarili, at hilingin natin ang sumpa ng Allah sa mga sinungaling."
62. Ito ang salaysay ng katotohanan: walang diyos maliban kay Allah. Ang Allah ay Pinaka Makapangyarihan, ang Pantas.
63. Ngunit kung tatalikod sila - kilala ni Allah silang mga gumagawa ng masama.
64. Sabihin: "O mga tao ng Banal na Kasulatan! Halina't magkaisa sa pagitan namin at sa inyo: na wala tayong sinasamba maliban sa Allah; na hindi tayo mag-ugugnay sa Kanya; na huwag tayong magtayo mula sa ating mga sarili ng mga panginoon at mga tagapagtaguyod maliban kay Allah." Kung sila ay tumalikod sabihin: "Maging saksi kayo na kami ay mga Muslim (yumuyuko sa kalooban ni Allah)."
65. O Mga Tao ng Banal na Kasulatan! Bakit kayo nagtatalo tungkol kay Abraham, nang ang Torah (Lumang Tipan) at ang Ebanghelyo ay naihayag nang siya ay wala na? Wala ba kayong pang unawa?
66. Narito kayo, nakikipagtalo tungkol sa mga bagay na alam ninyo, ngunit bakit kayo nakikipagtalo tungkol sa mga bagay na hindi ninyo alam? Alam ni Allah, at hindi ninyo alam.
67. Si Abraham ay hindi isang Hudyo o isang Kristiyano, ngunit siya ay isang mananamba sa iisang Allah, isang Muslim. At hindi siya kabilang sa mga sumasamba sa maraming diyos.
68. Ang mga taong higit na karapat-dapat kay Abraham ay ang mga sumunod sa kanya, at ang propetang ito (Muhammad), at ang mga naniniwala. Ang Allah ay ang Tagapangalaga ng mga mananampalataya.
69. Isang pangkat ng mga Tao ng Banal na Kasulatan na hinahangad na mailigaw kayo; ngunit ang knilang nailigaw lamang ay ang kanilang mga sarili, ngunit hindi nila ito namamalayan.
70. O Mga Tao ng Banal na Kasulatan! Bakit ninyo tinatanggihan ang mga paghahayag ng Allah, gayong kayo ang mga saksi?
71. O Mga Tao ng Banal na Kasulatan! Bakit ninyo ginugulo ang katotohanan ng kabulaanan, at sinasadya niyong ilihim ang katotohanan.
72. Ang ilan sa Mga Tao ng Banal na Kasulatan ay nagsabi, "Maniwala sa naihayag sa mga mananampalataya sa pagsikat ng araw, at tanggihan ito sa paglubog nito, upang sila ay maaaring makabalik."
73. "At huwag kang maniwala sa sinuman maliban kung siya ay sumusunod sa iyong relihiyon." Sabihin (O Muhammad): "Ang tunay na patnubay ay ang patnubay ni Allah; (matakot kayo) na baka ang isang kapahayagan ay maipadala sa iba na katulad yaong ipinadala sa iyo. pagtatalo sa harap ng iyong Panginoon." Sabihin (O Muhammad): "Ang lahat ng mga biyaya ay nasa kamay ni Allah: ipinagkakaloob Niya ang mga ito sa sinumang Kanyang kinalulugdan; at si Allah ay nagmamalasakit sa lahat at nalalaman Niya ang lahat ng bagay."
74. Pinipili Niya para sa Kanyang awa ang Kanyang ibig. Ang Allah ay may dakilang biyaya.
75. Kabilang sa Mga Tao ng Banal na Kasulatan ay siya na, kung pinagkakatiwalaan mo siya ng isang bunton ng ginto, ibabalik niya ito sa iyo. At sa kasamahan nila ay siya na, kung pinagkakatiwalaan mo siya ng isang piraso ng ginto, ay hindi niya ito ibabalik sa iyo maliban sa kung mananatili kang nakatayo sa kanya (harapan). Iyon ay sapagkat sinabi nila: Wala kaming pananagutan sa mga Hentil. Nagsasalita sila ng kasinungalingan patungkol kay Allah na ito’y nalalaman nila.

76. Katotohanan, sinuman ang tumutupad sa kanyang mga pangako at nagpapanatili ng kabanalan, si Allah ay nagmamahal sa mga banal.

77. Sila na nagpalit ng tipan ng Allah at ang kanilang mga panata, sa isang maliit na halaga, ay walang bahagi sa Kabilang Buhay, at ang Allah ay hindi makikipag-usap sa kanila, ni hindi Niya sila titingnan sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli, ni lilinisin Niya sila. Magkakaroon sila ng isang masakit na wakas.

78. At kabilang sa kanila ay silang mga nagbabago ng Banal na Kasulatan sa kanilang mga dila, upang isipin ninyo na ito ay mula sa Banal na Kasulatan, dadapwat hindi ito galing sa Banal na Kasulatan. At sinabi nila, "Ito ay mula kay Allah," gayong ito ay hindi galing kay Allah. Nagsasabi sila ng mga kasinungalingan at iniugnay nila mga ito kay Allah, ng may kamalayan.

79. Walang sinumang binigyan ng Allah ng Banal na Kasulatan, at ng karunungan, at ang pagka-propeta na sasabihin sa mga tao, "Maging akin ang mga sumasamba kay Allah sa halip `na sa Kanya."  "Maging mga tao ng Panginoon, alinsunod sa Banal na Kasulatan na itinuturo ninyo, ang mga aral na natutunan ninyo."

80. Ni hindi rin kayo niya inuutusan na kunin ang mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon. Inutusan ba kayo niya ng pagtataksil pagkatapos ninyong sumuko?

81. Tinanggap ng Allah ang tipan ng mga propeta, “Binigyan kayo ng banal na kasulatan at ng karunungan; kung ang isang sinugo ay dumating sa inyo na nagpapatunay kung ano ang mayroon kayo, maniwala kayo sa kanya, at katigan ninyo siya." Sinabi Niya, "Pinatitibay ba ninyo ang Aking tipan at kinukuha ito para sa inyong sarili?" Sinabi nila, "Pinatutunayan namin ito." Sinabi Niya, "Kung gayon magpatotoo kayo, at kabilang Ako sa mga saksi."

82. Sinumang tumalikod pagkatapos nito, sila ang mga mapanlinlang.

83. Sila ba ay naghahanap pa ng iba kaysa sa Relihiyon ng Allah? Habang ang lahat ng mga nilalang sa mga langit at sa lupa sang-ayon man o hindi sang-ayon ay yumuko na sa Kanyang Kalooban (tinanggap ang Islam) at sa Kanya silang lahat ay ibabalik.

84. Sabihin (O Muhammad): Kami ay naniniwala kay Allah at sa kung ano ang naihayag sa amin at sa naihayag kay Abraham at Ishmael at Isaac at Jacob at sa mga lipi, at ang ibinigay kina Moises at Hesus at sa mga propeta mula sa kanilang Panginoon. . Wala kaming ginagawang paghahambing sa pagitan ng sinuman sa kanila, at sa Kanya kaming lahat ay sumuko.

85. Kung ang sinuman ay nagnanais ng isang relihiyon maliban sa Islam (pagsuko sa Allah) ay hindi kailanman ito tatanggapin sa kanya; at sa Kabilang Buhay siya ay nasa hanay ng mga nawala (para sa lahat sa kabutihan ng kaluluwa).

86. Paano gagabayan ng Allah ang mga tumanggi sa pananampalataya pagkatapos nilang tanggapin ito at sumaksi na ang Sugo ay totoo at ang mga malinaw na tanda ay dumating sa kanila? Ngunit si Allah ay hindi pumapatnubay sa mga taong gumagawa ng masama.

87. Para sa kanila, ang kanilang kaparusahan ay nahuhulog sa kanila, ang sumpa ng Allah at ng mga anghel at ng buong sangkatauhan.

88. Mananatili sa loob (ng impiyerno) ng walang hanggan, ng hindi pinagagaan ang kanilang parusa sa kanila, at hindi ipagpaliliban.

89. Maliban sa mga nagsisisi pagkatapos, at nagbago; sapagkat ang Allah ay Mapagpatawad at Maawain.

90. Tungkol naman sa mga hindi sumasampalataya pagkatapos sumampalataya, pagkatapos ay tumindi pa ang hindi pagsampalataya, ang kanilang pagsisisi ay hindi na tatanggapin; sila ang mga naligaw.

91. Tungkol naman sa mga hindi sumasampalataya at namatay na hindi sumasampalataya, kahit na ang daigdig ay puno ng ginto ito ay hindi tatanggapin sa kanila, kung iaalok nila ito bilang pangtubos. Sila ay magkakaroon ng isang napakasakit na pagpapahirap, at walang magiging tagapagligtas.

92. Sa anumang paraan ay hindi ninyo makakamit ang pagiging matuwid maliban kung ipamigay ninyo (ng malaya) kung ano ang inyong iniibig; at anuman ang ipamigay ninyo ng makatotohanan alam na alam ito ng Allah.

93. Lahat ng pagkain ay ayon sa batas sa mga anak ni Israel maliban sa ginawang labag sa batas ng Israel para sa kanyang sarili bago pa inihayag ang. Torah (Lumang Tipan). Sabihin: "Dalhin ninyo ang Torah at basahin ito (sa amin) kung kayo ay matapat.

94. Kung pagkatapos nito ang sinumang kumatha ng kasinungalingan patungkol kay Allah, tunay nga na sila ay hindi makatarungan, gumagawa ng mali.

95. Sabihin: Si Allah ay nagsasalita ng katotohanan. Kaya sundin ang relihiyon ni Abraham, ang matuwid. Hindi siya kabilang sa mga sumasamba sa diyus-diyusan.

96. Ang unang bahay sambahan na itinatag para sa sangkatauhan ay ang nasa Mecca; pinagpala, at patnubay para sa lahat ng mga tao.

97. Sa loob nito ay makikita ang mga tanda; (halimbawa) ang Himpilan ni Abraham; sinumang pumasok dito ay nagkakamit ng kaligtasan; Ang paglalakbay sa banal na lugar ay isang tungkulin na utang ng mga tao kay Allah yaong mga may kakayahang maglakbay; ngunit kung ang sinuman ay tumanggi sa pananampalataya si Allah ay hindi nangangailangan ng sinuman sa kanyang mga nilalang.

98. Sabihin, "O Mga Tao ng Banal na Kasulatan, bakit ninyo tinatanggihan ang Mga Pahayag ng Allah, gayong ang Allah mismo sa Kaniyang sarili ang saksi sa lahat ng inyong ginagawa?

99. Sabihin, "O Mga Tao ng Banal na Kasulatan, bakit ninyo hinahadlangan ang mga sumasampalataya sa landas ni Allah, na hinahangad na baluktutin ito, kahit na kayo ang mga saksi? Alam ni Allah ang iyong ginagawa. ”

100. O kayong mga sumasampalataya! Kung susundin ninyo ang isang pangkat ng mga tumanggap ng Banal na Kasulatan, gagawin nila kayong mga hindi mananampalataya matapos kayong sumampalataya.

101. Paano kayo hindi makapaniwala, kung sa inyo’y binibigkas ang mga paghahayag ng Allah, at ang Kanyang sinugo ay nasa gitna ninyo? Siya na humawak ng mahigpit kay Allah, siya nga ay ginagabayan sa isang matuwid na landas.

102. Kayong mga sumasampalataya! Sambahin ang Allah nang may kaukulang pagsamba, at huwag mamatay maliban bilang mga Muslim.

103. At hawakan ng mahigpit ang lahat sa pamamagitan ng lubid ni Allah na (iniunat para sa inyo) at huwag magkabahabahagi sa inyong mga sarili; at alalahanin nang may pasasalamat ang biyaya ni Allah sa inyo; sapagkat kayo ay mga kaaway at pinagsanib Niya ang inyong mga puso sa pag-ibig upang sa pamamagitan ng Kanyang biyaya kayo ay naging magkakapatid; at kayo ay nasa bingit ng hukay ng apoy at iniligtas Niya kayo mula rito. Ganito ginawa ni Allah ang kanyang mga palatandaan na malinaw sa inyo: upang kayo ay mapatnubayan.

104. At magkaroon sa inyo ng isang pamayanan na tumatawag sa kabutihan, at nagtataguyod ng kabutihan, at humahadlang sa kasamaan. Ito ang mga matagumpay.

105. At huwag maging katulad ng mga humiwalay at nakipagtalo matapos na dumating ang malinaw na mga patotoo sa kanila; para sa kanila ay isang kakilakilabot na parusa.

106. Sa Araw na ang (ilang) mga mukha ay pinaputi at (ilang) mga mukha ay pinaitim; at tungkol sa kanila na ang mga mukha ay pinaitim, ito ay sasabihin sa kanila: Hindi kayo sumampalataya pagkatapos ng inyong (pagpapahayag ng) pananampalataya? Kung gayon tikman ang kaparusahan para doon sa hindi ninyo pagsampalataya.

107. At para sa kanila na ang mga mukha ay pinaputi, sa awa ni Allah sila ay mananahan doon magpakailanman.

108. Ito ay mga pahayag ni Allah. Binibigkas namin ang mga ito sa inyo sa katotohanan. Si Allah ay hindi nagnanais ng kawalang-katarungan sa (Kanyang) mga nilalang.

109. Sa Allah ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga langit at anuman ang nasa lupa; at kay Allah lahat ng mga bagay ay ibinalik.

110. Kayo ang pinakamabuti na pamayanan na itinaguyod para sa sangkatauhan: itinataguyod ninyo kung ano ang mabuting asal, at ipinagbabawal kung ano ang malaswa, at sumasampalataya kay Allah. Kung sumampalataya ang mga Tao ng Banal na Kasulatan, magiging mabuti para sa kanila. Kabilang sa mga ito ay ang mga sumasampalataya, ngunit ang nakararami sa kanila ay mga makasalanan.

111. Hindi kayo nila sasaktan maliban sa isang maliit na sakit, at kung lalaban sila sa inyo sila ay tatalikod at tatakas. At pagkatapos ay hindi na sila tutulungan.

112. Mapapahiya sila saanman ninyo sila makita, maliban sa pamamagitan ng isang lubid mula kay Allah, at isang lubid mula sa mga tao; at sila ay nagtamo ng poot mula kay Allah, at iginupo sila ng pagdurusa. Iyon ay dahil sa tinanggihan nila ang mga paghahayag ng Allah, at pinatay nila ang mga propeta ng hindi makatarungan. Iyon ay dahil naghimagsik sila at gumawa ng kapusukan.

113. Hindi sila magkatulad. Kabilang sa mga Tao ng Banal na Kasulatan, isang pamayanang matuwid; binibigkas nila ang mga paghahayag ni Allah sa buong gabi, at sila ay nagpapatirapa.

114. Sumasampalataya sila kay Allah at sa Huling Araw, at nagtataguyod ng katuwiran at ipinagbabawal ang kasamaan, at mabilis sa paggawa ng mabubuting gawa. Sila ang mga kabilang sa matuwid.

115. Sa kabutihang ginawa nila, walang itatanggi sa kanila; sapagkat alam na alam ng Allah ang mga gumagawa ng tama.

116. Silang mga tumatanggi sa pananampalataya alinman sa kanilang mga pag-aari o kanilang (maraming) lahi ay hindi makatutulong sa kanila laban kay Allah; sila ay magiging kasama ng apoy na mananahan doon (magpakailanman).

117. Ang talinghaga tungkol sa kung ano ang ginugugol nila sa makadaigdig na buhay na ito ay ng isang napakalamig na hangin na tumatama sa pag-aani ng mga taong nagkamali sa kanilang kaluluwa, at sinisira ito. Ang Allah ay hindi sila minali, ngunit minali nila ang kanilang mga sarili.

118. O kayong sumasampalataya! Huwag makipagkaibigan sa mga tagalabas na hindi tumitigil sa kanilang hiling na saktan kayo. Nais na nais nilang makita kayong nahihirapan. Ang poot ay lumitaw mula sa kanilang mga bibig, ngunit kung ano ang itinago ng kanilang mga puso ay mas masama. Aming ginawang malinaw ang mga mensahe para sa inyo, kung naiintindihan ninyo.

119. Kayo ang mga nagmamahal sa kanila kahit na hindi kayo nila minamahal, at naniniwala kayo sa buong Banal na Kasulatan. At kapag nagkita kayo, sinasabi nila, "Naniniwala kami;" ngunit kapag sila ay nag-iisa na, kinagat nila ang kanilang mga daliri sa galit. Sabihin, "Mamatay kayo sa inyong galit; Alam ni Allah kung ano ang nasa loob ng (inyong) mga puso.”

120. Kung may mangyari sa inyo na mabuting bagay, nanlulumo sila; ngunit kung may masamang nangyari sa inyo, nagagalak sila rito. Ngunit kung kayo ay magtiyaga at manatili sa katuwiran, ang kanilang mga balakin sa inyo ay hindi makasasakit. Alam ng Allah ang kanilang ginagawa.

121. Alalahanin ang umagang iyon ng ikaw (O Muhammad) ay umalis sa sambahayan mo upang italaga ang mga tapat sa kanilang mga lugar para sa labanan: at ang Allah ay nakaririnig at nakaaalam ng lahat ng bagay.

122. Nang ang dalawang pangkat sa inyo ay halos panghinaan ng loob, subalit ang Allah ang kanilang Tagapagtanggol. Kaya sa Allah hayaan ang mga sumasampalataya ay maglagak ng kanilang tiwala.

123. Binigyan kayo ni Allah ng tagumpay sa Badr, nang kayo ay mahina. Kaya matakot kayo kay Allah, upang kayo nawa ay magpasalamat.

124. Nang sinabi mo (O Muhammad) sa mga sumasampalataya: Hindi pa ba sapat para sa inyo ng tulungan kayo ng iyong Panginoon ng tatlong libong mga anghel na ipinadala (upang saklolohan kayo)?

125. Ito ay kung magtiyaga kayo at manatiling maingat, at bigla kayo nilang sasalakayin, ang iyong Panginoon ay tutulong sa inyo ng may limang libong mga anghel na sasalakay, na may kasanayang mabuti.

126. Ginawa ito ng Allah na isang mensahe ng pag-asa para sa inyo, at upang bigyan ng katiyakan ang inyong mga puso sa pamamagitan nito. Ang tagumpay ay nagmumula lamang sa Allah na Makapangyarihan, ang Pantas.

127. Nang upang maputol Niya ang isang bahagi ng mga hindi sumasampalataya, o ilantad sila sa kabulastugan, at nang sa gayon sila ay tumalikod na bigo sa kanilang hangarin.

128. Hindi mo alalahanin (Muhammad) kung sila ay tinutubos Niya o sila ay pinarusahan Niya. Sila ang mga gumagawa ng mali.

129. Kay Allah ang pagmamayari ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Siya ay nagpapatawad sa Kanyang ibig, at nagpaparusa sa Kanyang ibig. Si Allah ay Mapagpatawad, Pinaka- Maawain.

130. O kayong mga sumasampalataya! Huwag maging masiba sa patubo, dinalawa at inapat na ulit (ang halagang ipinautang). Tuparin ang inyong tungkulin kay Allah, upang kayo ay maging matagumpay.

131. At bantayan ang inyong mga sarili laban sa Apoy na inihanda para sa mga hindi naniniwala. 

132 At sundin ang Allah at ang Sugo, upang magkamit kayo ng awa.

133. At makipagtunggali para sa kapatawaran mula sa iyong Panginoon, at para sa isang paraiso na kasing lawak ng mga langit at lupa, na inihanda para sa mga umiwas sa kasamaan;

134. Silang nagbibigay sa kasaganaan at sa kahirapan, at silang pinipigilan ang galit, at silang mga nagpapatawad sa mga tao. Mahal ni Allah ang mga gumagawa ng mabuti.

135. At silang mga, kapag nakagawa ng kalaswaan o mali sa kanilang sarili, naaalala ang Allah at humihingi ng kapatawaran para sa kanilang mga kasalanan, at sino ang nagpapatawad sa mga kasalanan maliban kay Allah? At hindi sila nagpupumilit sa kanilang maling gawain habang alam nila.

136. Para sa kanila ang gantimpala ay kapatawaran mula sa kanilang Panginoon at mga hardin na may mga ilog na umaagos sa ilalim kung saan sila mananatili magpakailanman; Gaano kabuti ang gantimpala sa mga gumagawa (at nagsisikap sa kabutihan ng ayon sa utos ng Allah).

137. Marami ang mga Daan ng Buhay na lumipas na bago sa iyo: maglakbay sa lupa at tingnan kung ano ang wakas ng mga tumanggi sa katotohanan.

138. Narito ang isang malinaw na pahayag sa mga tao isang patnubay at tagubilin sa mga may takot kay Allah!

139. At huwag mag alilangan, o makaramdam ng pagsisisi. Kayo ang nakahihigit, kung kayo ay mananampalataya.

140. Kung ang isang sugat ay dumampi sa iyo tiyakin na ang isang katulad na sugat ay dumampi sa iba. Ang gayong mga araw (na may iba't ibang kapalaran) ay Aming ibinibigay sa mga tao at sa mga tao nang paisa-isa: upang malaman ni Allah ang mga yaong naniniwala at upang Siya ay kumuha sa Kanyang sarili mula sa inyong mga hanay ng mga saksing martir (sa Katotohanan). At si Allah ay hindi nagmamahal sa mga yaong gumagawa ng mali.

141. Ang layunin din ni Allah ay linisin ang mga tapat sa pananampalataya at alisin ang pagpapala sa mga lumalaban sa pananampalataya.

142 Inisip ba ninyo na kayo ay papasok sa langit nang hindi sinusubok ni Allah ang mga yaong nakipaglaban nang lubos (sa Kanyang layunin) at nanatiling matatag?

143. At katotohanang ninanais ninyo ng kamatayan bago pa ninyo ito makita (sa larangan ng labanan). Ngayon ay nakita na ninyo ito ng inyong (sariling) mga mata!

144. Si Muhammad ay hindi hihigit sa isang sugo. Namatay ang mga sugo na nauna sa kanya. Ito ba kapag siya ay namatay o napatay, kayo ba ay tatalikod sa inyong mga sakong (pananampalataya)? Ang tumalikod sa kanyang mga sakong (pananampalataya) ay hindi makakapinsala sa Allah sa anumang paraan, at gagantimpalaan ng Allah ang mga mapagpasalamat.

145. Walang kaluluwa ang mamatay maliban sa may pahintulot ng Allah, sa isang itinakdang panahon. Sinuman ang nagnanais ng gantimpala ng daigdig, bibigyan Namin siya ng ilan sa mga ito; at sinumang nagnanais ng gantimpala ng Kabilang Buhay, bibigyan Namin siya ng ilan sa mga ito; at gagantimpalaan namin ang mapagpasalamat.

146. Ilan sa mga Propeta ang nakipaglaban (sa landas ni Allah) at kasama nila (nakipaglaban) ng malalaking pangkat ng mga makadiyos na tao? Ngunit sila ay hindi kailanman nag alinlangan sa matinding paghihirap para sa landas ni Allah o sila ay nanghina (ang kalooban) o sumuko. At si Allah ay nagmamahal sa mga matibay at matatag.

147. Ang tanging salita lamang nila ay, "aming Panginoon, patawarin mo kami sa aming mga pagkakasala, at kalalabisang pag-uugali, at palakasin ang aming yapak, at tulungan kami laban sa mga taong hindi sumasampalataya."

148. Kaya ibinigay sa kanila ng Allah ang gantimpala sa daigdig na ito, at ang napakagandang gantimpala sa Kabilang-Buhay. Mahal ni Allah ang mga gumagawa ng kabutihan.

149. O kayong mga naniniwala! Kung susundin ninyo ang mga hindi naniniwala, itatalikod nila kayo sa inyong mga sakong (pananampalataya) at ang inyong wakas ay pagkatalo (pagkaligaw).

150. Subalit si Allah ang iyong Tagapag-ingat, at Siya ang Pinakamabuti sa mga Katulong.

151. Hindi magtatagal ilalagay Namin ang takot sa puso ng mga hindi sumasampalataya dahil sa sila ay naglagay ng mga kasama ni Allah na kung saan hindi Siya nagbigay ng pahintulot: ang kanilang tahanan ay ang apoy; at ang kasamaan ay tahanan ng mga gumagawa ng masama!

152. Tunay na tinupad ng Allah ang Kanyang pangako sa inyo nang inyong talunin sila sa pamamagitan ng Kanyang pahintulut, hanggang (sa sandali) na ang inyong katapangan ay binigo, kayo at hindi nagkasundo tungkol sa utos at kayo ay sumuway, pagkatapos na Kanyang ipakita sa inyo ang inyong inaasam. Ang ilan sa inyo ay nagnanais ng buhay sa daigdig na ito, at ang ilan sa inyo ay nagnanais ng Kabilang-buhay. Kaya pinatakas Niya kayo mula sa kanila, upang masubukan Niya kayo. Ngunit ngayon ay pinatawad na Niya kayo. Si Allah ay isang Panginoon ng Kabaitan sa mga mananampalataya.

153. Nang kayo ay umakyat (sa burol) at hindi pinansin ang sinuman, habang ang sugo, sa inyong likuran, ay tinatawag kayo (upang lumaban). Kaya ginantimpalaan Niya kayo ng kalungkutan para sa (kanyang) kalungkutan, upang (maituro Niya) sa inyo na huwag kayong magdalamhati alinman sa inyong nakaligtaan o sa nangyari sa inyo. Si Allah ay Nakababatid ng inyong ginagawa.

154. Nang matapos ang dalamhati, Siya ay nagpadala ng katiwasayan sa inyo. Ang antok ay dumaig sa ilan sa inyo, habang ang iba ay nagmamalasakit lamang sa kanilang sarili, iniisip ang Allah ng mga pagiisip na hindi totoo - mga pagiisip ng kamangmangan sila ay nagsabi: "Mayroon bang anumang kadahilanan para sa atin? Sabihin (O Muhamad): Ang kadahilanan ay pag-aaring buo ng Allah." Itinago nila sa kanilang mga sarili ang hindi nila isiwalat sa iyo, nagsasabi, "Kung kami ay nagkaroon ng anumang bahagi sa layunin ay hindi sana kami napatay dito." Sabihin, "Kahit na nanatili kayo sa inyong mga tahanan, ang mga nakatakdang mamatay ay maglalakad sila sa kanilang mga higaan ng kamatayan." Sa gayon ang Allah ay sinusubok kung ano ang nasa iyong mga isipan, at patunayan kung ano ang nasa inyong mga puso. Alam ni Allah kung ano ang nilalaman ng mga puso ng mga tao.

155. Kayong mga tumalikod sa araw nang ang dalawang hukbo ay naglabanan si Satanas ang naging dahilan ng kanilang pagtalikod, dahil sa ilan sa kanilang kinita. Datapuwat si Allah ay pinatawad sila (sa kanilang kasalanan): sapagkat ang Allah ay Laging Mapagpatawad, Mapagtiis.

156. O kayong mga sumasampalataya! Huwag maging katulad ng mga hindi sumasampalataya, at nagsabi tungkol sa kanilang mga kapatid na naglakad sa lupain, o nagpapatuloy sa pagsalakay, "Kung sila ay nanatili sa atin, hindi sila namatay o napatay." Upang ang Allah ay gawin itong dahilan ng dalamhati sa kanilang mga puso. Ang Allah ang nagbibigay buhay at sanhi ng kamatayan. Nakikita ni Allah ang iyong ginagawa.

157. At kung kayo ay napatay o namatay ng dahilan sa landas ng Allah, - ang kapatawaran at awa mula kay Allah ay masmabuti kaysa sa lahat na maaari nilang makamtan.

158. Kung kayo ay namatay, o pinatay, kay Allah kayo ay titipunin.

159. Sa pamamagitan ng biyaya mula sa Allah na ikaw ay naging banayad sa kanila (O Muhammad). Kung ikaw ay naging malupit, matigas ang puso, sila ay mangangalat sa paligid mo. Kaya patawarin sila, at humingi ng kapatawaran para sa kanila, at sumangguni sa kanila sa pagsasagawa ng mga gawain. At kapag magpapasya ka na, magtiwala kay Allah; Mahal ng Allah ang mapagtiwala (sa Kanya).

160. Kung si Allah ang inyong katulong, walang makakatalo sa inyo, at kung Kanyang bawiin ang Kanyang tulong mula sa inyo, sino ang sa inyo ang makatutulong pagkatapos Niya? Sa Allah ang mga  mananampalataya ay hayaang magtiwala.

161 Hindi para sa isang propeta na kumilos nang hindi tapat. Sinuman ang kumilos nang hindi matapat ay dadalhin niya ang kanyang kawalan ng katapatan sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli. Pagkatapos ang bawat kaluluwa ay babayaran nang buo para sa kung ano ang inani nito, at hindi sila mamaliin.

162. Ang isang tao bang sumusunod sa kaluguran ng Allah ay katulad ba ng isang nagtamo ng poot mula kay Allah, na ang tirahan ay ang impiyerno, isang kaaba abang hantungan?

163. Sila ay may iba't ibang antas sa Allah, at si Allah ay Nakikita ang kanilang ginagawa.

164. Si Allah ay nagbigay ng isang malaking kagandahang-loob sa mga mananampalataya nang Siya ay nagpadala sa gitna nila ng isang sugo mula sa kanilang mga sarili na nag-sasabi sa kanila ng mga Palatandaan ng Allah na nagpapabanal sa kanila at nagturo sa kanila sa Banal na Kasulatan at Karunungan habang sila noon ay nasa hayag na pagkakamali.

165. At naging gayon, nang ang isang sakuna ay sumapit sa inyo, kahit na inyong sinaktan (sila ng sakuna) ng dalawang ulit (ng masmalaki), na sinabi ninyo: Paano ito? Sabihin (sa kanila, O Muhammad): Ito ay nagmula sa inyong mga sarili. Narito! Si Allah ay May kakayahang gawin ang lahat ng mga bagay.

166. Ang sumapit sa inyo sa araw na magdigma ang dalawang hukbo nay may pahintulot ng Allah; upang makilala Niya ang mga sumasampalataya.

167. At upang Kanyang makilala ang mga mapagpanggap, at sa kanila ito ay sinabi: Halikayo, makipaglaban sa landas ni Allah, o ipagtanggol ang inyong mga sarili. Sila ay nagsabi: Kung alam namin ang paglaban sana kami ay sumunod sa inyo. Sa araw na iyan sila ay higit na malapit sa pagtataksil kaysa sa pananampalataya. Kanilang sinabi sa kanilang mga bibig ang isang bagay na wala sa kanilang mga puso. Alam ng Allah ang kanilang inililihim.

169. Huwag isiping patay ang mga napatay sa landas ni Allah. Sa katunayan, sila ay buhay, nasa kanilang Panginoon, pinagpapalang mabuti.

170. Nagagalak sa kung ano ang ibinigay sa kanila ni Allah mula sa Kanyang biyaya, at masaya para sa mga hindi pa nila nakakasama; na wala silang dapat ikatakot, ni sila ay magdadalamhati.

171. Sila ay nagagalak sa biyaya mula kay Allah, at sa kagandahang loob, at hindi sasayangin ng Allah ang gantimpala ng mga tapat.

172. Tungkol naman sa mga duminig ng tawag ng Allah at ng Kanyang sugo pagkatapos ng pinsala na sumapit sa kanila (sa laban); para sa mga tulad nila na gumagawa ng tama at umiwas sa (kasamaan), mayroong malaking gantimpala.


168. Sila na habang nakaupo sa bahay, ay nagsabi tungkol sa kanilang mga kapatid (na nakikipaglaban para sa landas ng Allah): Kung sila ay napatnubayan natin hindi sila na patay. Sabihin (sa kanila, O Muhammad): Kung gayon iwasan ang kamatayan mula sa inyong mga sarili kung kayo ay totoo.

173. Sa kanila na sinabi ng mga tao, "Ang mga tao ay nagpakilos laban sa inyo, kaya katakutan sila." Ngunit lalong lumakas ang kanilang pananampalataya, at sinabi nila, “Ang Allah ay sapat na para sa amin; Siya ang Pinakamagaling na Tagapagtanggol."

174. Kaya sila ay bumalik na may biyaya mula kay Allah, at kasaganaan, at walang pinsala na kumanti sa kanila. Pinagpatuloy nila kung ano ang nakalulugod sa Allah. Nagtataglay ang Allah ng napakalaking biyaya.

175. Si Satanas lamang ang nananakot sa kanyang mga tagasunod; kaya huwag silang katakutan, ngunit matakot kayo sa Akin, kung kayo ay totong sumasampalataya.

176. At huwag malungkot sa mga nagmamadali sa hindi paniniwala. Hindi nila masasaktan ang Allah kahit na bahagya. Nais ng Allah huwag silang bigyan ng bahagi sa Kabilang Buhay. Isang kakila-kilabot na pagdurusa ang naghihintay sa kanila.

177. Sila na ipinagpalit ang kalapastanganan para sa pananampalataya ay hindi masasaktan ang Allah kahit na bahagya. Isang masakit na pagpapahirap ang naghihintay sa kanila.

178. Silang mga hindi sumasampalataya ay hindi dapat ipalagay ang palugit Namin sa kanila ay para sa kanilang kabutihan. Sa katunayan, ang palugit Namin sa kanila ay upang lumakas pa sila sa pagiging makasalanan. Naghihintay sa kanila ang isang nakakahiyang pagpapahirap.

179. Hindi iiwan ng Allah ang mga mananampalataya na katulad ninyo, na hindi ninyo nakikilala ang masama sa mabuti. Hindi rin ipagbibigay-alam sa inyo ng Allah ang hinaharap, ngunit pipiliin ng Allah mula sa kanyang mga sugo sinumang nais Niya. Kaya sumampalataya kay Allah at sa Kanyang mga sugo. Kung sumampalataya kayo at gumagawa ng kabanalan, magkakaroon kayo ng isang napakagandang gantimpala.

180. Silang mga pumimigil sa kung ano ang bigay sa kanila ng Allah ay hindi dapat ipalagay na mabuti ito para sa kanila. Sa katunayan, masama ito para sa kanila. Palilibutan sila ng kanilang mga pag-iimbak sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli. Kay Allah ang pamana ng mga langit at lupa, at tunay na nalalaman ni Allah ang iyong ginagawa.

181. Narinig ng Allah ang pahayag ng mga nagsabing, "Ang Allah ay mahirap, at kami ay mayaman." Isusulat Namin kung ano ang kanilang sinabi, at ang kanilang maling pagpatay sa mga propeta; at Sasabihin Namin, "Tikman ninyo ang hirap ng nasusunog."

182. "Ito ay dahil sa kung ano ang ginawa ng inyong mga kamay, at dahil ang Allah ay makatarungan sa mga naglilingkod sa Kanya.

183. Sila (din) ay nagsabi: "Tinanggap ng Allah ang aming pangako na hindi kami maniniwala sa isang Sugo maliban kung Siya ay nagpakita sa amin ng isang hain na tinupok ng apoy (mula sa langit)." Sabihin (sa kanila, O Muhammad): "May dumating sa inyo na mga Sugo na nauna sa akin na may mga malinaw na tanda at maging sa kung ano ang inyong hinihiling: kung gayon bakit ninyo sila pinatay kung kayo ay nagsasalita ng katotohanan? (Sagutin ninyo iyan) kung kayo ay tapat!

184. Kung paratangan ka nila ng nagsisinungaling, ang mga sugo bago ka ay pinaratangan din nila na nagsisinungaling. Dumating sila ng may mga patotoo, at may Mga Awit, at ang nagliliwanag na Banal na Kasulatan.

185. Ang bawat kaluluwa ay makalalasap ng kamatayan. At kayo ay babayaran sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli. Sinumang inalis mula sa Apoy at pinapasok sa paraiso, siya ay nagtagumpay. Ngunit Ang buhay sa daigdig na ito ay ginhawa ng malikmata.

186. Masusubukan kayo sa pamamagitan ng inyong mga yaman at ng inyong pagkatao; at maririnig ninyo mula sa mga tumanggap ng Banal na Kasulatan bago kayo, at mula sa mga sumasamba sa diyus-diyosan, ng labis na pang-aabuso. Ngunit kung magtiyaga at nanguna kayo sa isang matuwid na buhay - iyon nga ay isang tanda ng mabuting pagpupunyagi.

187. Ang Allah ay tumanggap ng pangako mula sa mga binigyan ng Banal na Kasulatan: "Ipapahayag ninyo ito sa mga tao, at hindi itago ito." Ngunit binaliwala nila ito sa kanilang likuran at ipinagpalit ito sa isang maliit na halaga. Malungkot na palitan ang ginawa nila.

188. Huwag isipin na ang mga nagagalak sa kanilang ginawa, at nais na mapuri para sa kung ano ang hindi pa nila nagawa, huwag isiping maaari nilang takasan ang parusa. Magkakaroon sila ng isang masakit na parusa

189. Nasa Allah ang pagmamay-ari ng dakilang kapangyarihan ng nasa mga langit at sa lupa; at ang Allah ay may kapangyarihan sa lahat ng mga bagay.

190. Sa paglikha ng mga langit at lupa, at sa paghahalihalili ng gabi at araw, ay mga palatandaan para sa mga taong may pang-unawa.

191. Silang mga nakaaalala kay Allah habang nakatayo, at nakaupo, at sa kanilang panig (tagiliran); at iniisip nila ang paglikha ng mga langit at ng lupa: "Aming Panginoon, hindi Mo nilikha ito ng walang kabuluhan, kaluwalhatian sa Iyo, kaya ingatan Mo kami mula sa parusa ng Apoy."

192. "Aming Panginoon, sinumang itinalaga Mo sa apoy, ipinahiya Mo. Ang mga gumagawa ng mali ay walang mga tagasaklolo.

193. “Aming Panginoon, narinig naming ang tagatawag na nag-aanyaya sa pananampalataya: 'Manampalataya sa inyong Panginoon,' at kami ay sumampalataya. Aming Panginoon! Patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, at patawarin ang aming mga maling ginawa, at hayaan Mo (gawin) kaming mamatay na kasama ang mabubuti.

194. “Aming Panginoon, at bigyan kami ng kung ano ang Iyong ipinangako sa amin sa pamamagitan ng Iyong mga sugo, at huwag kaming ipahiya sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli. Tiyak na hindi Ka sumusira sa iyong pangako.

195. At kaya sinagot sila ng kanilang Panginoon: “Hindi Ko sasayangin ang gawain ng sinumang manggagawa sa inyo, maging lalaki o babae.: kayo ay mga sangkap sa isa't isa; yaong mga umalis sa kanilang mga tahanan o itinaboy mula doon o nagdusa ng pinsala dahil sa Aking o nakipaglaban o napatay, katotohanang Aking papawiin sa kanila ang kanilang mga kasalanan at papasukin sila sa mga halamanan na may mga ilog na umaagos sa ilalim; isang gantimpala mula kay Allah. Nasa Allah ang pinakamataas na gantimpala."

196. Huwag humanga sa mga kilus ng mga hindi sumasampalataya sa lupain na dayain ka (O Muhammad).

197. Isang maikling kasiyahan, pagkatapos ang kanilang tirahan ay Impiyerno. Ang isang kaaba abang tahanan.

198. Sa mga may takot sa kanilang Panginoon: para sa kanila ay mga hardin na kung saan dumadaloy ang mga ilog, kung saan sila ay mananatili magpakailanman, magandang kalooban mula kay Alah. Kung ano ang tinatangkilik ni Allah ay ang pinakamabuti para sa mga matuwid.

199. Kabilang sa mga Tao ng Banal na Kasulatan ay silang mga naniniwala sa Allah, at sa kung ano ang naihayag sa inyo, at sa kung ano ang ipinahayag sa kanila. Sila ay mapagpakumbaba sa harap ng Allah, at hindi nila ipinagbilil ang mga pahayag ngAllah sa isang maliit na halaga. Sila ay magkakaroon ng kanilang gantimpala sa kanilang Panginoon. Ang Allah ay mabilis sa pagtutuos.

200.  O kayong sumasampalataya! Maging matiyaga, at itaguyod ang pagtitiyaga, at magkaisa, at sambahin ang Allah, upang kayo ay magtagumay .


Walang komento:

Al fatiha