Sabado, Disyembre 30, 2023

Surah 37: The Aligners of Ranks (Ang Tagapag-ayos/Tagapaghanay ng mga Antas)

 Ang Tagapag-ayos ng mga Antas

Sura 37 

(Isiniwalat sa Meka)

Sa pangalan ng Allah, ang Lubos na Mapagpala, ang Lubos na Maawain

1. Sa pamamagitan ng mga nag-aayos ng kanilang mga sarili sa mga antas.
2. At gayon din malakas sa pagtataboy (ng kasamaan).
3. At  gayon din ipinpa ahayag ang mensahe (ng Allah)!
4. Tunay na Iisa ang iyong Diyos.
5. Panginoon ng mga langit at lupa, at Panginoon ng bawat pagsikat ng araw!
6. Pinalamutian Namin ang ibabang langit ng kagandahan ng mga planeta (sa mga bituin).
7. At binantayan ito laban sa bawat mapanghamong diyablo.
8. Hindi nila maririnig ang Kataas-taasang Pagtitipon sa langit, sapagkat sila ay binabato sa bawat panig,
9. Itinataboy dahil sa sila ay nasa walang hanggang parusa.
10. Maliban sa tulad ng pag-agaw ng isang bagay sa pamamagitan ng palihim at sila ay hinahabol ng nagliliyab na apoy ng tumatagos na kaningningan.
11. Pagkatapos ay tanungin sila (O Muhammad): Sila ba ay mas malakas bilang isang nilikha, o yaong (iba) na Aming nilikha? Nilikha namin sila gamit ang isang malagkit na luad!
12. Tunay na namamangha ka habang sila ay nanunuya
13. At kapag pinaalalahanan, sil;a ay hindi nagbibigay pansin.
14. At kapag nakakita sila ng isang tanda, sila ay nanunuya.
15. At sila ay nagsabi, “Ito ay walang iba kundi payak na mahika.
16. Kapag tayo ay namatay at naging alabok at buto, tayo ba ay bubuhaying muli?
17. At ang ating mga ninuno noong unang panahon?”
18. Sabihin (O Muhammad), "Oo nga, at kayo ay lubusang masusupil."
19. Ito ay magiging isang sigaw; at sila ay nakatitig.
20. Sasabihin nila, “Sa aba natin. Ito ang Araw ng Paghuhukom.”
21 (Isang tinig ay magsasabi) "Ito ang Araw ng Pagbubukod-bukod na ang katotohanan na inyong (minsan) tinanggihan!"
22. “Tipunin ang mga nagkasala, at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang sinasamba noon.
23. Bukod kay Allah, at akayin sila sa daan patungo sa Impiyerno.
24. At pigilan sila. Sila ang dapat tanungin."--
25. Ano ang suliranin ninyo? Bakit hindi kayo magtulungan sa isa't isa?
26. Sa katunayan, sa Araw na iyon, sila ay magiging masunurin.
27. Sila ay magsisilapit sa isa't isa,  magtatanong sa isa't isa.
28. Sila ay magsasabi: "Kayo ang dating dumating sa amin mula sa kanang kamay (ng kapangyarihan at awtoridad)!"
29. Sasabihin nila, “Kayo mismo ay hindi mga mananampalataya.
30. Wala kaming kapangyarihan sa inyo. Kayo mismo ay mga mapanghimagsik na tao.
31. Ang Salita ng ating Panginoon ay natupad laban sa atin. natitikman natin ito (ang parusa sa mga kasalanan).
32. "Iniligaw namin kayo: sapagka't tunay na kami din ay naligaw."
33. Katotohanan sa Araw na ito, silang lahat ay magkakasamang magdurusa sa parusa.
34. Sa gayon ang Aming pakikitungo sa mga makasalanan.
35. Nang sabihin sa kanila, "Walang diyos maliban kay Allah," sila ay lalong naging mayabang.
36. At sabihin: "Ano! ibibigay ba namin ang aming mga diyos alang-alang sa isang baliw na Makata?"
37. Hindi! Sa katunayan, siya (Muhammad) ay dumating na may dalang katotohanan, at pinatunayan niya ang mga sugo (na nauna sa kanya).
38. Kayo ay tunay na matitikman ang Mabigat na Parusa
39. At kayo ay gagantihan lamang sa iyong ginawa noon.
40. Maliban sa mga tapat na mga lingkod ng Allah.
41, Para sa kanila ay isang tiyak na pangkinabukasan.
41, Para sa kanila ay isang tiyak na pangkinabukasan.
42. Mga Prutas; at sila ay pararangalan.
43. Sa Hardin ng Kaligayahan.
44, Magkaharap sa mga Luklukan (ng karangalan).
45. Sila ay bibigyan ng isang tasa ng dalisay na inumin.
46. Kasing puti ng kristal masarap ang lasa sa mga umiinom (nito)
47. Hindi kailanman nadungisan, at hindi kailanman nalasing.
48. Kabilang sa kanila ang mga babaeng mahiyain na may magagandang mata.
49. Para silang mga perlas na mahigpit na binabantayan.
50. Pagkatapos ay lalapit sila sa isa't isa, nagtatanong.
51. Sasabihin ng isa sa kanila, “May kaibigan ako noon.
52. Laging nagsasabi, “Ikaw ba ay kabilang sa mga sumasampalataya?
53. Na pagkatapos nating mamatay at maging alabok at buto, tayo ay ba ay tatawagin upang magsulit?”
54. Sasabihin niya, "Titingnan mo ba?
55, Siya ay titingin, at makikita siya sa hukay ng Impiyerno.
56 Siya ay magsasabi, “Sa pamamagitan ng Allah, halos ako ay iyong sirain.
57. "Kung hindi dahil sa Biyaya ng aking Panginoon ay tiyak na ako ay kabilang sa mga dinala (doon)!
58. Ang mga naninirahan sa Paraiso ay magsasabi): "Hindi ba tayo mamamatay (muli)?
59. Maliban sa ating unang kamatayan, at hindi tayo mapaparusahan."
60. Ito ang pinakamataas na tagumpay.
61. Para sa katulad nito, magsikap ang lahat na nagnanais na magsikap.
62. Iyan ba ang mas mabuting libangan o ang Puno ng Zaqqum?
63. Ginawa namin itong isang pagsubok para sa mga hindi makatarungan.
64. Ito ay isang puno na tumutubo mula sa kalaliman ng Impiyerno.
65 Ang mga bunga nito ay parang ulo ng mga demonyo.
66. Sila ay kakain mula doon, at bubusugin ang kanilang mga tiyan nito.
67. Pagkatapos, sa ibabaw nito, magkakaroon sila ng isang serbesa ng kumukulong likido.
68. Pagkatapos ang kanilang pagbabalik ay sa (Nag aalab) na Apoy.
69. Natagpuan nila ang kanilang mga magulang na naliligaw.
70. Kaya sumugod din sila sa kanilang mga yapak
71. At karamihan sa mga nauna sa kanila ay naligaw
72. Bagaman Kami ay nagpadala ng mga sugo upang bigyan sila ng babala.
73. Kaya tingnan ang katapusan ng mga yaong binigyan ng babala.
74. Maliban sa mga tapat na tagapaglingkod ni Allah.
75. At si Noe ay tumawag sa Amin, at Kami ang Pinakamahusay sa mga tumutugon.
76. At Aming iniligtas siya at ang kanyang sambahayan mula sa malaking kapahamakan.
77. At ginawa Namin ang kanyang mga inapo bilang mga nakaligtas..
78. At Aming iniwan (ang pagpapalang ito) para sa kanya sa mga salin lahi ng darating ng mga huling panahon:
79. "Kapayapaan at pagbati kay Noa sa gitna ng mga bansa!"
80. Sa gayon, talagang Aming ginagantimpalaan ang mga gumagawa ng tama.
81. Sapagkat siya ay isa sa Aming mga lingkod na mananampalataya.
82. Pagkatapos Aming nilunod ang iba.
83. Katotohanang kabilang sa mga sumunod sa kanyang Daan ay si Abraham.
84. Nang siya ay lumapit sa kanyang Panginoon na may mabuting puso.
85. Sinabi niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao, “Ano ang inyong sinasamba?
86. Ito ba ay huwad na mga diyos, sa halip na si Allah, ang iyong nais?
87. Kaya ano ang iyong pakiwari tungkol sa Panginoon ng mga Daigdig?”
88. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang mga bituin.
89. At siya ay nagsabi "Ako ay tunay na masakit (sa puso)!"
90. Ngunit sila ay tumalikod sa kanya, at umalis.
91. Pagkatapos siya ay bumaling sa kanilang mga diyos, at nagsabi, “hindi ba kayo kakain (ng mga handog sa inyo)?
92. Ano ang mayroon sa inyo, na hindi kayo nagsasalita?”
93. Pagkatapos ay lumingon siya sa kanila, hinampas ng kanyang kanang kamay.
94. Pagkatapos ay dumating (ang mga sumasamba) na nagmamadaling mga hakbang at humarap (sa kanya).
95. Sinabi niya, “Sinasamba niyo ba ang inukit ng iyong mga kamay?
96. Ngunit nilikha kayo ng Allah, at ang gawa ng inyong kamay!?”
97. Sila ay nagsabi, “Bumuo ng isang pugon para sa kanya, at itapon siya sa pugon.”
98. At sila ay nagbalak ng isang bitag para sa kanya, ngunit Aming gagawin silang higit na kahiyahiya!
99. Siya ay nagsabi, "Ako ay pupunta sa aking Panginoon, at Siya ang gagabay sa akin."
100. Aking Panginoon! Pagkalooban mo ako ng isang matuwid (na anak na lalaki).
101. Kaya Kami ay nagbigay sa kanya ng magandang balita ng isang batang handang magdusa at magtiis.
102. Pagkatapos, nang siya ay nasa sapat na gulang upang samahan siya, siya ay nagsabi, "O Aking anak, nakita ko sa isang panaginip na ako ay nag-aalay sa iyo; ano ang iyong iniisip." Sinabi niya, “O aking Ama, gawin mo ang iniutos sa iyo; makikita mo ako, kalooban ng Allah, isa sa mga matatag."
103. Kaya nang kapwa nilang isinumite ang kanilang mga kalooban (kay Allah, at Kanyang pinadapa Siya sa kanyang noo (para sa pag-aalay).
104. Kami ay tumawag sa kanya, “O Abraham!
105. Natupad mo ang pangitain.” Sa gayon Aming ginagantimpalaan ang mga gumagawa ng kabutihan.
106. Ito ay tiyak na isang malinaw na pagsubok.
107. At Aming tinubos siya ng isang malaking hain.
108. At Aming iniwan (ang pagpapalang ito) para sa kanya sa mga susunod na salin lahi sa mga susunod na panahon:
109. Ang kapayapaan at pagbati ay suma kay Abraham.
110. Sa gayon tunay na Aming ginagantimpalaan ang mga gumagawa ng kabutihan.
111. Katotohanang siya ay isa sa Aming mananampalataya na mga tagapaglingkod.
112. At Kami ay nagbigay sa kanya ng mabuting balita tungkol kay Isaac, isang propeta, isa sa mga matuwid.
113. At Aming binasbasan siya, at si Isaac. Ngunit kabilang sa kanilang mga inapo ang ilan na matuwid, at ang ilan ay malinaw na hindi makatarungan sa kanilang mga sarili.
114. At Aming binasbasan sina Moises at Aaron.
115. At Aming iniligtas sila at ang kanilang mga tao mula sa kakila-kilabot na kapahamakan.
116. At Aming itinaguyod sila, at kaya sila ang mga nanalo.
117. At Aming ibinigay sa kanila ang Naglilinaw na Kasulatan.
118. At Aming pinatnubayan sila sa tuwid na landas.
119. . At Aming iniwan (ang pagpapalang ito) sa kanila para sa mga susunod na salin lahi.
120. Kapayapaan at pagbati kay Moises at Aaron!"
121. Sa gayon katotohanang Aming ginagantimpalaan ang mga matuwid.
122. Sila ay kabilang sa Aming mga mananampalatayang tagapaglingkod.
123. Gayundin si Elias ay isa sa mga sugo.
124. Sinabi niya sa kanyang mga tao, "Hindi ba kayo matatakot (sa Allah)?
125. Kayo ba ay tumatawag kay Baal, at tinalikuran ang Pinakamabuti sa mga lumilikha?
126. Ang Allah ang inyong Panginoon, at ang Panginoon ng inyong mga ninuno.”
127. Ngunit tinawag nila siyang sinungaling, at tiyak na tatawagin sila (para sa kaparusahan)
128. Maliban sa mga tapat na lingkod ng Allah.
129. At Aming iniwan (ang pagpapalang ito) para sa kanya sa mga (darating) salin lahi sa mga susunod na panahon.
130. "Ang kapayapaan at pagbati ay mapasa sambahayan ni Elias.
131. Sa gayon Katotohanan Aming ginagantimpalaan ang mga mabubuti.
132. Sapagkat siya ay isa sa Aming mananampalataya na mga tagapaglingkod.
133. At si Lot ay isa sa mga sugo na ipinadala sa Namin.
134. Iniligtas Namin siya at ang kanyang sambahayan, silang lahat.
135. Maliban sa isang matandang babae na nahuli.
136. Pagkatapos Aming nilipol ang iba.
137. Dumaan kayo sa (kanilang mga lugar) sa umaga.
138. At sa gabi. Hindi ba ninyo naiintindihan?
139. At si Jonas ay isa sa mga mensahero.
140. Nang tumakas siya patungo sa sakyang pangdagat na may lulan (parang alipin mula sa pagkabihag).
141. Siya ay (pumayag sa) palabunutan at siya ang pnabunot, at siya ay hinatulan.
142. Pagkatapos ay nilulon siya ng malaking Isda at siya ay nakagawa ng mga gawang na karapat-dapat isisi sa kanya.
143. Kung hindi siya naging isa sa mga yaong (nagsisi at) niluwalhati si Allah.
144. Siya ay tiyak na mananatili sa loob ng Isda hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay.
145. Ngunit itinapon Namin siya sa pampang nasa kalagayang may karamdaman.
146. At pinatubo Namin sa ibabaw niya ang isang puno ng kalabasa.
147. At Aming ipinadala siya (sa isang layunin) sa isang daang libo (lalaki) o higit pa.
148. At sila ay naniwala, kaya Kami ay nagbigay sa kanila ng kasiyahan sa ilang sandali.
149. Tanungin sila ( O Muhammad), “Ang mga anak bang babae ay para sa inyong Panginoon, samantalang para sa kanila ay mga anak na lalaki?”
150. O nilikha Namin ang mga anghel na babae, gaya ng kanilang nasaksihan?”
151. Hindi talaga! Isa ito sa mga kasinungalingan nila na sinabi nila.
152. Si Allah ay nagkaroon ng mga anak"? Ngunit sila ay mga sinungaling!
153. Siya ba (pagkatapos) ay pumili ng mga anak na babae kaysa sa mga anak na lalaki?
154. Ano bang nangyari sa inyo? Paano kayo humatol?
155. Hindi ba kayo tatanggap ng paalaala?
156. O mayroon ba kayong malinaw na patunay?
157. Pagkatapos ay dalhin ninyo ang inyong Aklat (ng kapangyarihan) kung kayo ay matapat!
158. At lumikha sila ng kaugnayan sa dugo sa pagitan Niya at ng mga jinn. Ngunit ang mga jinn ay nalalaman na sila ay tunay na haharap (sa harap ng Kanyang hukuman).
159. Luwalhati kay Allah! (Siya ay malaya) mula sa mga bagay na kanilang ini-uugnay (sa Kanya).
160. Maliban sa mga tapat na alipin ni Allah.
161. Sa katotohanan tunay na hindi kayo ni ang inyong mga sinasamba
162. Hndi maaaring mailigaw sa Kanya (kay Allah) .
163. Maliban sa kanya na susunugin sa Impiyerno.
164. (Ang mga nasa hanay ng antas ay sinabi): "Wala ni isa sa amin ngunit may itinalagang lugar.
165. At kami ang mga tagapag-ayos.
166. "At kami ay tunay na nagpahayag ng kaluwalhatian (ng Allah).
167. At may mga nagsabi
168. “Kung nakatanggap kami ng payo mula sa mga sinaunang tao.
169. Kami sana ay naging tapat na mga alipin ni Allah.”
170. Ngunit tinanggihan nila ito, kaya malalaman nila.
171. Ang Aming Salita ay lumabas na sa aming lingkod na mga sugo.
172. Sila ang tutulungan.
173. At ang aming mga hukbo ang mga mananalo.
174. Kaya huwag pansinin ang mga ito nang ilang sandali.( O Muhammad),.
175. At bantayan mo sila, malapit na nilang makita.
176. Sila ba ay naghahangad na madaliin ang Aming kaparusahan?
177. Kapag ito ay bumaba sa kanilang bakuran, kahabag-habag ang umaga ng mga binalaan.
178. Kaya iwasan sila saglit.
179. At masdan, malapit na nilang makita.
180. Dakilain ang iyong Panginoon, ang Panginoon ng Kaluwalhatian, sa kabila ng kanilang mga paratang.
181. At ang kapayapaan ay mapasa mga sugo.
182. At ang papuri ay kay Allah, ang Panginoon ng mga Daigdig

Walang komento:

Al fatiha