Sabado, Disyembre 30, 2023

Surah 11: Prophet Hud (Propeta Hud)

 

Propeta Hud

Sura 11

(Isiniwalat sa Meka)


Sa pangalan ng Allah, ang Lubos na Mapagpala, ang Lubos na maawain

1. Alif, Lam, Ra. Isang Banal na Kasulatan na ang mga Talata ay ginawang sakdal, pagkatapos ay ginawang pinagbuti, mula sa Isang Marunong at Maalam.

2. Na wala kang sasambahin maliban ang Allah. "Ako ay isang tagapagbabala sa inyo mula sa Kanya, at isang tagapagdala ng mabuting balita."
3. “At humingi ng kapatawaran sa inyong Panginoon, at magsisi sa Kanya. Bibigyan kayo Niya ng magandang kabuhayan hanggang sa isang nakasaad na panahon, at ipagkakaloob Niya ang Kanyang biyaya sa bawat nagtataglay ng kabutihan. Ngunit kung kayo ay tumalikod, kung gayon ako ay nangangamba para sa inyo sa kaparusahan sa isang mabigat na Araw."
4. Kay Allah ang inyong pagbabalik, at Siya ang May Kakayahan sa lahat ng bagay."
5. Binabalot nila ang kanilang mga dibdib upang magtago sa Kanya. Ngunit kahit na nagtatakip sila ng kanilang mga damit, alam Niya kung ano ang kanilang itinatago at kung ano ang kanilang inihahayag. Alam niya kung ano ang nasa loob ng mga puso.

6. Walang gumagalaw na nilalang sa daigdig ngunit ang kabuhayan nito ay nakasalalay sa Allah. At alam Niya kung saan ito nakatira at kung saan ito nagpa pahinga. Lahat ay nasa Malinaw na Aklat.

7. Siya ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, at ang Kanyang Luklukan ay nasa ibabaw ng tubig, upang subukin kayo, kung sino sa inyo ang pinakamahusay sa pag-uugali. At kung sasabihin mo, (O Muhammad) "kayo ay muling mabubuhay pagkatapos ng kamatayan," ang mga hindi naniniwala ay magsasabi, "Ito ay walang iba kundi isang maliwanag na pangkukulam."

8. At kung ipagpaliban Namin ang kanilang kaparusahan hanggang sa itinakdang panahon, sasabihin nila, "Ano ang pumipigil dito?" Sa Araw na ito ay dumating sa kanila, ito ay hindi maiiwasan mula sa kanila, at kung ano ang dati nilang kinukutya ay kukubkubin sila.

9. Kung Aming pinatikim ang tao ng awa mula sa Amin, at pagkatapos ay aalisin ito sa kanya, siya ay magiging walang pag-asa at walang utang na loob.

10. At kung patikimin Namin siya ng kasaganaan, pagkatapos na dumaan sa kanya ang ilang kahirapan, sasabihin niya, "Ang mga kaguluhan ay nawala sa akin." Siya ay natutuwa at mapagmalaki.

11. Maliban sa mga matiyaga at gumagawa ng kabutihan, sila ay magkakaroon ng kapatawaran at malaking gantimpala.

12. Sa tuwing dumarating ang kahirapan sa tao, siya ay nananalangin sa Amin, nakahiga sa kanyang tagiliran, o nakaupo, o nakatayo. Ngunit nang Aming pinawi ang kanyang kagipitan mula sa kanya, siya ay umalis, na para bang hindi siya kailanman tumawag sa Amin para sa suliraning dumaan sa kanya. Kaya ang mga gawa ng mga lumalabag ay nakikitang mabuti sa kanila.

13. O sinasabi ba nila, "Siya ang nag-lumikha nito?" Sabihin, "Pagkatapos ay gumawa ng sampung kabanata na katulad nito, na nalikha, at tumawag sa sinumang na inyong kaya, maliban kay Allah, kung kayo ay matapat."

14. "Kung gayon, kung sila (inyong mga huwad na diyos) ay hindi tumugon sa inyong (tawag) alam ninyo na ang Kapahayagang ito ay ibinaba (puno) ng kaalaman ni Allah at wala ng ibang Diyos maliban sa Kanya!"

15. Sinuman ang nagnanais ng makamundong buhay at ang kinang nitoKami ay ganap na gaganti para sa kanilang mga gawa doon, at doon sila ay hindi madadaya.

16. Sabihin, Ang mga ito, sila ay makakaroon ng walang iba kundi ang Apoy sa Kabilang Buhay. Ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan doon, at ang kanilang mga gawa ay walang walang saysay.

17. Siya ba ay nagtataglay ng isang malinaw na katibayan mula sa kanyang Panginoon, na binibigkas ng isang saksi mula sa Kanya, at bago ito ang Aklat ni Moises, isang patnubay at isang awa? Ang mga ito ay naniniwala dito. Ngunit sinuman ang sumalungat dito mula sa iba't ibang pangkat, ang Apoy ay kanyang pangako. Kaya huwag mag-alinlangan tungkol dito. Ito ay katotohanan mula sa iyong Panginoon, ngunit karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala.

18. Sino ang gumawa ng higit na malaking kamalian kaysa sa kanya na gumagawa ng kasinungalingan tungkol kay Allah? Ang mga ito ay ihaharap sa harap ng kanilang Panginoon, at ang mga saksi ay magsasabi, "Sila ang mga nagsinungaling tungkol sa kanilang Panginoon." Katotohanan, ang sumpa ni Allah ay nasa mga gumagawa ng kamalian.

19. Yaong mga hahadlang (sa mga tao) mula sa landas ni Allah at maghahangad dito ng bagay na baluktot: sila ang mga tumanggi sa Kabilang Buhay!

20. Ang mga ito ay hindi makakatakas sa lupa, at sila ay walang mga tagapagtanggol maliban kay Allah. Dadalawahin ang parusa para sa kanila. Nabigo silang makarinig, at nabigo silang makakita.

21. Sila ang mga nawalan ng kanilang mga kaluluwa, at kung ano ang kanilang nilikha ay ‘ang ‘’nagligaw sa kanila.

22. Walang alinlangan, sa Kabilang Buhay, sila ang magiging pinakamalaking natalo.

23. Para sa mga yaong naniniwala at gumagawa ng mabubuting gawa, at nagpapakumbaba sa kanilang sarili sa harapan ng kanilang Panginoon, sila ang mga naninirahan sa Halamanan, kung saan sila ay mamamalagi magpakailanman.

24. Ang talinghaga ng dalawang pangkat (ng mga tao) ay ang bulag at bingi, at ang nakakakita at ang nakakarinig. Pantay ba sila sa paghahambing? Hindi ba kayo magmumuni-muni?

25. Ipinadala namin si Noa sa kanyang mga tao, "Ako ay isang malinaw na tagapagbabala."

26. “Na wala kayong sasambahin maliban sa Allah. Natatakot ako para sa inyo ang paghihirap sa isang masakit na Araw."

27. Ang mga kilalang tao sa kanyang mga tao na hindi naniwala, ay nagsabi, “Wala kaming nakikita sa iyo maliban sa isang taong katulad namin, at nakita namin na tanging ang pinakamasama sa amin ang sumunod sa iyo, yaong mga hindi pa ganap sa paghatol. At nakita namin na wala kang kalamangan sa amin. Sa katunayan, iniisip namin na  kayo ay mga sinungaling."

28. Sinabi niya, “O aking mga tao, Naisip ba ninyo? Kung ako ay naninindigan sa malinaw na katibayan mula sa aking Panginoon, at Siya ay nagbigay sa akin ng isang awa mula sa Kanyang sarili, ngunit kayo ay bulag dito, maaari ba naming pilitin kayo na tanggapin ito, kahit na hindi ninyo ito nais?

29. O aking mga tao! Wala akong hinihiling sa inyo na gantimpala para dito. Ang aking gantimpala ay nasa Allah lamang. At hindi ko itataboy ang mga naniwala; tiyak na makakatagpo nila ang kanilang Panginoon. At nakikita ko na kayo ay mga taong mangmang."

30. “O aking mga tao! Sino ang magliligtas sa akin mula sa Allah, kung paalisin ko sila? Hindi ba kayo nag iisip?"

31. “Hindi ko sinasabi sa inyo na taglay ko ang mga kayamanan ni Allah, at hindi ko alam ang hinaharap, ni hindi ko sinasabi na ako ay isang anghel. Ni hindi ko rin sinabi sa mga taong kasuklam-suklam sa inyong paningin na si Allah ay hindi kailanman magbibigay sa kanila ng anumang kabutihan. Si Allah ay Nakababatid sa kung ano ang nasa kanilang mga kaluluwa. Kung gagawin ko, isa ako sa mga gumagawa ng masama.”

32. Sila ay nagsabi, “O Noa, ikaw ay nakipagtalo sa amin, at nakipagtalo ng labis. Ngayon, dalhin mo sa amin ang iyong pananakot sa amin, kung ikaw ay tapat.”

33. Sinabi niya, "Si Allah ang magdadala nito sa inyo, kung Kanyang ibig, at hindi kayo makatatakas."

 

34. “Ang aking payo ay hindi kayo makikinabang na gaya ng nais kong ipayo sa iyo, kung nais ni Allah na lituhin kayo. Siya ang iyong Panginoon, at sa Kanya kayo ibabalik.”

35. O sinasabi ba nila, "Ginawa niya ito?" Sabihin, "Kung ako ay gumawa nito, sa akin babagsak ang aking kasalanang mabigat, at ako ay inosente sa mga kasalanang mabigat na inyong ginawa."

36. At ito ay ipinahayag kay Noah: "Walang sinuman sa iyong mga tao ang maniniwala, maliban sa mga yaong naniwala na, kaya huwag kang malungkot sa kanilang ginagawa."

37. “At itayo ang Arko, sa ilalim ng Aming mga paningin, at sa pamamagitan ng Aming inspirasyon (paghahayag), at huwag mo Akong pakiusapan tungkol sa mga gumawa ng mali; sila ay malunod.”

38. Habang siya ay gumagawa ng arko, sa tuwing ang ilan sa kanyang mga tao ay dumaan sa tabi niya, kinukutya nila siya. Sinabi niya, "Kung kinukutya ninyo kami, tatawanan naming kayo, tulad ng inyong panlilibak."

39. "Tiyak na malalaman ninyo kung kanino darating ang isang pagdurusa na magpapababa sa kanya, at kung kanino babagsak ang isang walang hanggang pagdurusa."

40. Hanggang, nang ang Aming kautusan ay dumating, at ang mga bukal ng lupa ay bumulwak! Sinabi namin, “isakay dito (Arko) ng isang tambalan ng bawat uri, at ang inyong sambahayan, maliban sa mga taong laban sa kanila ang Salita ay naipasa na, at yaong mga sumampalataya.” Ngunit ang mga sumampalataya sa kanya ay iilan lamang.

41. Sabi niya, “Sumakay na doon. Sa pangalan ni Allah ang paglalayag nito at ang pag angkla nito. Tunay na ang aking Panginoon ay Mapagpatawad at Maawain.

 42. At kaya ito (ang Arko)ay naglayag kasama nila sa gitna ng mga alon na parang bundok. At tinawag ni Noa ang kanyang anak, na humiwalay, “O anak ko! Sumakay ka sa amin, at huwag kang sumama sa mga Hindi Sumasampalataya."

43. Siya ay nagsabi, "Ako ay manganganlong sa isang bundok, ito ay mag iingat sa akin mula sa tubig." Sinabi niya, "Walang makapag iingat mula sa itinakda ng Allah ngayon, maliban sa kanya na Kanyang kinaaawaan." At ang mga alon ay dumaluyong sa pagitan nila, at siya ay kabilang sa mga nalunod.

44 At sinabi, "O lupa, lunukin mo ang iyong tubig," at "O langit, lumiwanag ka." At ang tubig ay humupa, at ang kaganapan ay natapos, at ito ay nagpahinga sa bundok ng Judi, at ito ay ipinahayag: "Malayo sa masasamang tao."

45. At si Noa ay tumawag sa kanyang Panginoon. Siya ay nagsabi, "O Panginoon ko, ang aking anak na lalaki ay mula sa aking sambahayan, at ang Iyong pangako ay totoo, at Ikaw ang Pinakapantas sa mga pantas."

46. Sinabi niya, “O Noa, hindi siya sa iyong pamilya. Siya ay may masamang pag-uugali, kaya huwag mo Akong tanungin tungkol sa isang bagay na hindi mo alam. Pinapayuhan kita, baka ikaw ay maging isa sa mga mangmang.”

47. Siya ay nagsabi, “O Aking Panginoon, ako ay nagpapakupkop (mula sa kasalanan) sa Iyo, mula sa pagtatanong sa Iyo tungkol sa kung ano ang hindi ko nalalaman. Kung hindi Mo ako patawarin, at maawa sa akin, ako ay magiging isa sa mga natalo."

48. Sinabi, “O Noa, bumaba ka nang may kapayapaan mula sa Amin; at may mga pagpapala sa iyo, at sa mga pamayanan (na magmumula) mula sa mga kasama mo. At iba pang mga pamayanan ay Aming ipagkakaloob ang kaunlaran, at pagkatapos ay isang masakit na pahirap mula sa Amin ang darating sa kanila."

49. Iyan ang ilan sa mga salaysay ng Hindi Nakikita na Aming ipinahayag sa iyo (Muhammad): bago ito, ikaw o ang iyong mga tao ay hindi nakaalam sa kanila. Kaya magtiyaga nang may pagtitiis: sapagka't ang wakas ay para sa mga matuwid.

50. At kay Aad, ang kanilang kapatid na si Hud. Sinabi niya, “O aking mga tao, sambahin ninyo si Allah, wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya. Wala kayong ginawa kundi lumikha ng kasinungalingan."

51. “O aking bayan, hindi ako humihingi sa inyo ng kabayaran para dito; ang aking kabayaran ay nasa Kanya na lumikha sa akin. Hindi ba ninyo naiintindihan?"

52. "O aking mga tao! Humingi ng kapatawaran sa inyong Panginoon at magbalik-loob sa Kanya (sa pagsisisi): Ipadadala Niya sa inyo ang mga himpapawid na bumubuhos ng masaganang ulan at magdaragdag ng lakas sa inyong lakas: kaya't huwag kayong magsibalik sa kasalanan!"

53. Sinabi nila, "O Hud, hindi ka nagdala sa amin ng anumang katibayan, at hindi namin iiwan ang aming mga diyos sa iyong salita, at kami ay hindi naniniwala sa iyo."

54. "Sinasabi lang namin na ang ilan sa aming mga diyos ay kinubkob ka ng kasamaan." Sinabi niya, “Tinatawag ko si Allah bilang saksi, at kayo ay saksi, na ako ay walang kasalanan sa kung ano ang inyong itinambal (kay Allah).

56. Inilagay ko ang aking tiwala kay Allah, aking Panginoon at inyong Panginoon. Walang nilalang ngunit hawak Niya ito sa noo (bumbunan). Ang aking Panginoon ay nasa isang tuwid na landas.

57. Kung kayo ay tumalikod, ipinarating ko sa inyo kung ano ang ipinadala sa akin sa inyo; at papalitan kayo ng aking Panginoon ng ibang mga tao, at hindi ninyo Siya magagawan ng anumang pinsala. Ang aking Panginoon ay Tagapangalaga sa lahat ng bagay.”

58. At nang ang Aming kautusan ay dumating, Aming iniligtas si Hud at ang mga sumampalataya kasama niya, sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin, at Aming iniligtas sila mula sa isang malupit na parusa.

59. Iyan ay si Aad; itinanggi nila ang mga tanda ng kanilang Panginoon, at hinamon ang Kanyang mga sugo, at sumunod sa pamumuno ng bawat matigas na ulo na malupit.

60. At sila ay hinabol ng isang sumpa sa mundong ito, at sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli. Katotohanan, si Aad ay lumapastangan laban sa kanilang Panginoon, kaya lumayo sa Aad, ang mga tao ni Hud.

61. At kay Thamood, ang kanilang kapatid na si Saleh. Sinabi niya, “O aking mga tao, sambahin ninyo si Allah, wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya. Siya ang nagpasimula sa inyo mula sa lupa, at pinatira kayo doon. Kaya humingi sa Kanya ng kapatawaran, at magsisi sa Kanya. Ang aking Panginoon ay Malapit at Tumutugon.”

62. Sila ay nagsabi, “O Saleh, kami ay may pag-asa sa iyo bago ito. Pinipigilan mo ba kaming sambahin ang sinasamba ng aming mga magulang? Kami ay may matinding pag aalinlangan tungkol sa kung saan mo kami tinatawag.”

63. Siya ay nagsabi: "O aking mga tao! Nakikita ba ninyo? Kung ako ay may Maliwanag na (Tanda) mula sa aking Panginoon at Siya ay nagpadala ng Awa sa akin mula sa Kanyang Sarili sino ang makatutulong sa akin laban kay Allah kung ako ay susuway sa Kanya?

Ano kung gayon ang inyong idadagdag sa aking (bahagi) kundi kapahamakan?

64. O aking mga tao, ito ang babaeng kamelyo ng Allah, isang tanda para sa inyo. Hayaan siyang mag - manginain sa lupain ng Allah, at huwag siyang saktan, baka ang isang napipintong parusa ay umabot sa inyo."

65. Ngunit pinilayan nila siya, kaya sinabi Niya, "Magsaya kayo sa inyong mga tahanan sa loob ng

tatlong araw. Ito ay isang hula na hindi magkakamali."

66. Pagkatapos, nang dumating ang Aming kautusan, Aming iniligtas si Saleh at ang mga sumampalataya kasama niya, sa pamamagitan ng awa mula sa Amin, mula sa kahihiyan noong araw na iyon. Ang iyong Panginoon ay ang Malakas, ang Makapangyarihan.

67. Ang (malakas) na pagsabog ay umabot sa mga gumagawa ng masama at sila ay nakadapa sa kanilang mga tahanan bago ang umaga

68. Na wari bang sila ay hindi nanirahan doon. Katotohanang ang (lahi ng) Thamud ay hindi nanampalataya sa kanilang Panginoon. Kaya palisin ang (lahi ng) Thamud!

69. Dumating kay Abraham ang aming mga mensahero na may dalang mabuting balita. Sinabi nila, "Kapayapaan." Sinabi niya, "Kapayapaan." Hindi nagtagal, dumating siya na may dalang inihaw na guya.

70. Ngunit nang makita niya ang kanilang mga kamay na hindi umaabot roon, siya ay naghinala sa kanila, at nagdala ng takot sa kanila. Sinabi nila, "Huwag kang matakot, kami ay ipinadala sa mga tao ni Lot."

71. Nakatayo ang asawa niya kaya tumawa ito. At Kami ay nagbigay sa kanya ng mabuting balita tungkol kay Isaac; at pagkatapos ni Isaac, si Jacob.

72. Sabi niya, “Sa aba ko. Manganganak ba ako, gayong ako ay isang matandang babae, at ito, ang aking asawa, ay isang matandang lalaki? Ito ay talagang kakaibang bagay.”

73Sinabi nila, “Namangha ka ba sa kautusan ni Allah? Ang awa at pagpapala ng Allah ay nasa inyo, O mga tao ng tahanan. Siya ay Kapuri-puri at Maluwalhati.”

 74. Nang humupa ang takot ni Abraham, at ang mabuting balita ay nakarating sa kanya, nagsimula siyang magmakaawa sa Amin hinggil sa mga tao ni Lot.

75. Si Abraham ay banayad, mabait, nagsisisi.

76. “O Abraham, iwasan mo ito. ang utos ng iyong Panginoon ay lumabas na; darating sa kanila ang isang kapahamakan na hindi maiiwasan.

77. At nang ang Aming mga sugo ay dumating kay Lot, siya ay nabalisa para sa kanila, at nag-aalala para sa kanila. Sinabi niya, "Ito ay isang kakila-kilabot na araw."

78. At ang kanyang mga tao ay nagmamadaling lumapit sa kanya, nakaugalian nila ang paggawa ng mga kasalanan. Sinabi niya, “O aking mga tao, ito ang aking mga anak na babae; mas dalisay sila para sa inyo. Kaya matakot kay Allah, at huwag ninyo akong ipahiya sa harap ng aking mga panauhin. Wala bang isang makatwirang tao sa inyo?”

79. Sila ay nagsabi, "Alam mo nang husto na kami ay walang karapatan sa iyong mga anak na babae, at alam mong lubos kung ano ang aming nais."

80. Sinabi niya, "Kung mayroon lang akong lakas na pigilan ka, o maaari akong umasa sa ilang malakas na tagakatig."

81. Sila ay nagsabi, “O Lot, kami ay mga sugo ng iyong Panginoon; hindi ka nila maaabot. Kaya't umalis kasama ang iyong pamilya sa panahon ng pabalat ng gabi, at huwag hayaang lumingon ang sinuman sa inyo, maliban sa iyong asawa. Tatamaan siya sa kung ano ang tatama sa kanila. Ang kanilang takdang oras ay ang umaga. Hindi ba malapit na ang umaga?"

82. At nang ang Aming kautusan ay dumating, Aming binaligtad ito (ang mga lungsod), at Aming pinaulanan ito ng mga inihurnong batong luwad.

83. May tatak ng apoy sa patnubay ng iyong Panginoon (para sa pagkalipol ng masasama). At sila ay hindi malayo sa mga gumagawa ng kamalian.

84. Sa mga mamamayan ng Madyan (Amin ipinadala) si Shuaib na isa sa kanilang sariling mga kapatid: siya ay nagsabi: "O aking mga tao! Sambahin ninyo si Allah: wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya.

At huwag magbigay ng kulang sukat o timbang: nakikita ko kayo sa kasaganaan ngunit natatakot ako para sa inyo sa Parusa ng Araw na sasakop (sa inyo) sa lahat ng dako.

85. O aking bayan! Bigyan ng buong sukat at buong timbang, sa buong katarungan, at huwag dayain ang mga tao sa kanilang mga karapatan, at huwag palaganapin ang katiwalian sa lupain.kabulukan sa lupain.

86. Ang natitira sa Allah ay pinakamabuti para sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya. At hindi ako

tagapag-alaga sa inyo."

87. Sila ay nagsabi, “O Shuaib, ang iyong panalangin ba ay nag-uutos sa iyo na aming talikuran ang sinasamba ng aming mga ninuno, o gawin ito (dapat naming iwanan) na gawin ang aming nais sa aming sariling pag-aari. Ikaw ang banayad, ang gabay sa tamang pag-uugali.

88 Siya ay nagsabi, “O aking mga tao, naisip ba ninyo? Paano kung mayroon akong malinaw na katibayan mula sa aking Panginoon, at binigyan Niya ako ng magandang kabuhayan mula sa Kanyang sarili? Wala akong pagnanais na gawin ang ipinagbabawal ko sa inyo. Wala akong hinahangad kundi pagbabago, sa abot ng aking makakaya. Ang aking tagumpay ay nasa Allah lamang. Sa Kanya ako nagtitiwala, at sa Kanya ako nagsisisi.”

89. “O aking mga tao, huwag hayaang ang inyong poot sa akin ay maging sanhi ng inyong paghihirap sa dinanas ng mga tao ni Noah, o ng mga tao ni Hud, o ng mga tao ni Saleh. Ang mga tao ni Lot ay hindi malayo sa inyo.”

90. “At humingi sa iyong Panginoon ng kapatawaran, at magsisi sa Kanya. Ang aking Panginoon ay Maawain at Mapagmahal.”

91. Sinabi nila, "O Shuaib, hindi namin gaanong naiintindihan ang iyong sinasabi, at nakikita namin na ikaw ay mahina sa amin. Kung hindi dahil sa iyong lipi, binato ka sana namin. Wala kang halaga sa amin."

 

92. Siya ay nagsabi, "O aking mga tao, ang aking lipi ba ay higit na mahalaga sa inyo kaysa kay Allah? At kayo ay tumalikod sa Kanya? Nauunawaan ng aking Panginoon ang lahat ng inyong ginagawa."

93. “O aking bayan, gawin ninyo ang inyong magagawa, at gayon din ako. Malalaman ninyo kung kanino darating ang parusang ikakahiya niya, at kung sino ang sinungaling. Kaya't magbantay; Ako rin ay nagbabantay kasama ninyo!"

94. At nang ang Aming kautusan ay dumating, Aming iniligtas si Shuaib at ang mga sumampalataya na kasama niya, sa pamamagitan ng awa mula sa Amin, at ang Pagsabog ay tumama sa mga gumagawa ng kamalian, at sila ay naging hindi gumagalaw na mga katawan sa kanilang mga tahanan.

95. Na parang sila ay hindi kailanman umunlad doon. Paanong ang Madyan ay inalis (sa paningin) gaya ng pagpalis sa Thamud!

96. At Aming ipinadala si Moses kasama ang Aming mga tanda at isang malinaw na utos.

97. Kay Paraon at sa kanyang mga maharlika, ngunit sinunod nila ang utos ni Paraon, at ang utos ni Paraon ay hindi matalino.

98 Siya ay mangunguna sa kanyang mga tao sa Araw ng Paghuhukom at aakayin sila sa Apoy (tulad ng mga baka ay dinadala sa tubig): ngunit tunay na kahabag-habag ang pag-akay na ito (at) ang lugar (kung saan sila) inakay.

99. At sila ay sinusundan ng isang sumnpa sa (buhay) na ito at sa Araw ng Paghuhukom: at kaawa-awa ang kaloob na ibibigay (sa kanila)!

100. Ito ay tungkol sa mga balita ng mga bayan. Iniuugnay namin ang mga ito sa iyo (Muhammad). Ang ilan ay nakatayo pa rin, at ang ilan ay nasira (na).

101. Hindi Natin sila ginawan ng mali sa kanila, ngunit ginawan nila ng mali ang kanilang mga sarili. Ang kanilang mga diyos, na kanilang tinawag bukod kay Allah, ay hindi nakatulong sa kanila nang dumating ang utos ng iyong Panginoon. Sa katunayan, dinagdagan lamang nila ang kanilang pagkasira.

102. Ganito ang parusa ng iyong Panginoon nang Kanyang pinarusahan ang mga pamayanan sa gitna ng kanilang kamalian: tunay na mabigat at malubha ang Kanyang pagkastigo.

103. Doon ay isang tanda para sa sinumang natatakot sa kaparusahan sa Kabilang Buhay. Iyon ay isang Araw na kung saan ang sangkatauhan ay titipunin nang sama-sama—iyon ay isang Araw na masasaksihan.

104. Ipagpapaliban lamang namin ito hanggang sa isang tukoy na panahon.

105. Sa Araw ng pagdating nito, walang kaluluwa ang magsasalita nang walang pahintulot Niya. Ang ilan ay magiging Kaaba aba, at ang ilan ay magiging masaya.

106. Para sa mga kaawa-awa, sila ay mapapasa Apoy. Sila ay doon ay magbubuntong hininga at panaghoy.

 

107 Nananatili roon habang ang mga langit at ang lupa ay nananatili, maliban sa kung ano ang naisin ng iyong Panginoon. Ang iyong Panginoon ay Tagagawa ng anumang Kanyang naisin.

 

108. At yaong mga pinagpala ay nasa Halamanan: sila ay maninirahan doon sa lahat ng panahon na ang mga langit at ang lupa ay nananatili maliban sa kung ano ang naisin ng iyong Panginoon: isang kaloob na walang pagkasira.

109. Kaya huwag mag-alinlangan tungkol sa kung ano ang sinasamba ng mga taong ito. Sumasamba lamang sila tulad ng pagsamba ng kanilang mga ninuno noon. Babayaran Namin sila nang buo, nang walang anumang bawas.

110. Ibinigay namin kay Moises ang Kasulatan, ngunit ito ay pinagtatalunan. Kung hindi dahil sa isang naunang salita mula sa iyong Panginoon, ito ay naayos sa pagitan nila. Sila ay nasa malubhang pag aalinlangan hinggil dito.

111. Gagantihan ng iyong Panginoon ang bawat isa sa kanila nang buo para sa kanilang mga gawa. Siya ay nakababatid sa lahat ng kanilang ginagawa.

112. Kaya maging matuwid, gaya ng iniutos sa inyo, kasama ng mga nagsisi sa inyo, at huwag lumabag. Katotohanang Nakikita niya lahat ng ginagawa ninyo.

113At huwag kayong kumiling sa mga gumawa ng mali, o ang Apoy ay maaaring dumaiti sa inyo; at kayo ay hindi magkakaroon ng mga tagapagtanggol maliban kay Allah, at kayo ay hindi maliligtas.

114. Isagawa ang panalangin sa mga hangganan ng araw, at sa paglapit ng gabi. Ang mabubuting gawa ay nag-aalis ng masasamang gawa. Ito ay isang paalala para sa mga nakakaalala.

115. At maging matiyaga. Hindi sasayangin ng Allah ang gantimpala ng mga mabubuti

116. Kung mayroon lamang, sa mga saling lahi na nauna sa inyo, ang mga taong may karunungan, na nagsalita laban sa katiwalian sa lupa, maliban sa iilan na Aming iniligtas. Ngunit itinuloy ng mga gumagawa ng masama ang mga karangyaan sa kanila, at sa gayon ay naging nagkasala.

117. Ang inyong Panginoon ay hindi kailanman sisirain ang mga bayan ng hindi tama, habang ang mga naninirahan sa kanila ay matuwid.

118. Kung ninais ng inyong Panginoon, maaari Niyang gawing isang pamayanan ang sangkatauhan, ngunit patuloy silang magkaiba.

119. Maliban sa mga kinaawaan ng inyong Panginoon, sa dahilang iyon ay nilikha Niya sila. Ang Salita ng inyong Panginoon ay pangwakas: "Pupunuin Ko ang Impiyerno ng mga jinn at mga tao, sa kabuuan."

120. Ang lahat ng Aming isinalaysay sa inyo ang kasaysayan ng mga sugo ay upang palakasin ang inyong puso sa pamamagitan nito. Ang katotohanan ay dumating sa inyo dito, at isang aral, at isang paalaala para sa mga mananampalataya.

121. At sabihin sa mga hindi naniniwala, “Kumilos ayon sa inyong kakayahan; at gayon din kami.”

122. At maghintay; naghihintay din kami."

123. Kay Allah ang pag-aari ng kinabukasan ng mga langit at ng lupa, at sa Kanya ang lahat ng kapangyarihan ay bumabalik. Kaya sambahin Siya, at umasa sa Kanya. Ang inyong Panginoon ay hindi kailanman malilingid ang inyong ginagawa.

Walang komento:

Al fatiha